Sunday, November 25, 2007

I'm 25 Now!!!


I celebrated my 25th birthday yesterday! Can't believe than I'm a year older again! I just had a simple celebration at home with some friends (kahit may mga nang indyan dyan! hehe!) and with my family of course. Joms rented a videoke machine and everybody had fun! Thanks to all those peeps who made my birthday special. Kita kits ulit next year!

with my pretty mom and my videoke queen ...

with my family and relatives

with my colleagues

Sunday, November 18, 2007

Marchelle's Hairless No More



Weee! Marchelle got a longer hair! (Fake nga lang, wehehe...)

Last Saturday, I went to 168 mall just to find some cute headbands for my baby. But unfortunately, they don't have much baby stuff and accessories there. So I ended up buying a bonnet (cap) with a wig. I just thought that my baby would really look cute while wearing it so I bought it despite its big size. I tried it on her right after going home, and as expected, everybody was so amused and delighted upon seeing it on her ... But Marchelle wasn't pleased and happy about it! She got annoyed and irritated when we put it on her and she didn't really want to flaunt it. She got interested in tasting and eating it, though...

Here are some of her pictures wearing her new crowning glory...

"My new hair tastes good! Yum Yum!"


Thursday, November 15, 2007

Anti Rabies for My Babies

This morning, Hubby Jomski woke me up and asked, "Makakagising ka ba ng maaga ngayon?" I asked why. He told me na may libre daw na anti-rabies shots for dogs sa kabilang baranggay. He didn't say it twice. Mabilis pa sa alas kwatro ako tumayo, nabihis at naghilamos (wala nang toothbrush-toothbrush, hehe) para umabot sa project na 'yun (tampo nga asawa ko, kasi 'pag ginigising daw nya ako, naiinis ako sa kaya, pero 'pag dating sa mga aso ko, 'di nya ko kailangang kulitin pa!). Itinali ko agad 'yung isa kong baby (Michi), then we head to the said place para mabakunahan siya. It wasn't that easy to bring him there since hindi siya sanay na nakatali at 'di rin siya sanay sa maraming tao at mga sasakyan so ayun, nagwala ang loko. That's why I had to carry him until we reached the place. After him, 'yung isa ko namang baby ang dinala namin (Hana). It was worse dahil mas malaki si Babby Hana, as in dadalhin ka talaga nya kapag hawak mo 'yung leash nya. Buti na lang, my uncle was there para siya naman ang bumuhat kasi hindi ko talaga siya kakayaning buhatin sa sobrang taba at bigat nya, no? (asong baboy nga daw, hehe!). Mahirap pa naman 'pag 'yun ang nakawala kasi galit 'yun sa ibang aso. But at least, after all the struggling, eh, nabakunahan din naman siya. Well, timing na timing lang, kasi I was actually planning to bring them tomorrow to a nearby vet (na nagsara na pala). At least, 'di ba, naka save ako ng money? But dadalhin ko pa rin si Hana since kailangan nyang magpa pedicure kasi ang haba na ng kuko nya! Hindi naman namin kayang gupitan kasi ayaw ayaw nyang hinahawakan ang mga nails nya... Hay, ang hirap din ng may doggies, kasi para 'din silang mga babies na kailangan ng love and care. Pero ok lang, sulit naman, eh!

This is our baby boy Michi ...

Our darling girl, Hana...

My Marchelle Turns 8 Months Today!

My little girl is already 8 months old! Grabe, 4 months to go at may todller na ako! Huhuhu, parang ayoko na nga siyang lumaki, eh! Gusto ko forever baby na lang siya! But of course, sa ayaw at gusto ko eh, lalaki at lalaki ang little angel ko. That's why, I never get tired of taking a lot of her videos and pictures and keeping her memoirs para ma preserve ko forever 'yung memories nya as my precious baby. Hay, 4 months to go at magb-birthday na si Baby March. I'm thinking so much about her party already (theme, venue, costumes, souvenirs or give aways, guests, food etc...hay, kaloka!). Feeling ko kasi, I'm already running out of time! 'Di ko pa kasi maasikaso since I'm also working. Ayoko rin namang iasa lang sa mga party organizers since gusto ko sana eh, ako ang mag plan ng lahat. Of course, I want it to be something special kahit hindi ganun ka-engrande since it's my baby's first birthday. Sabi nga ni hubby Jomski, maaga pa daw para problemahin ko 'yun. Ang mga guys talaga!

Anyway, nagca-canvass na rin ako for the supplies (suggestions naman po dyan... hihihi!). Iniisip ko pa kung anong theme ang maganda (I have so many in my mind: Barnie, Disney Princess, Disney Characters, Minnie, fairies, doggie theme... hay!). I'm also thinking about the best location. Gusto ko sana sa house na lang kaso maliit ang place namin, eh! As much as possible, gusto ko sana eh, dun sa place na mag-e enjoy 'yung mga kids. 'Yung ibang stuff, eh, 'di ko muna iniisip since madali na 'yun 'pag my venue at theme na ako. Hay, 'di bale, I have my hub naman to help me with everything.

By the way, now that my baby's already 8 months old, eh, we're looking forward to teaching her new cutie tricks. As of now, alam na nya 'yung "Where's the light?"; "Clap your hands!"; "Dance, Dance!" (basta sinabi mo 'yung word na dance at basta marinig nya 'yung mga favorite nyang dancing music, eh, tatalbog talbog na 'yun with matching pacute face); "Love Mama, Papa or the bear" (eto 'yung trick nya na iha-hug nya nang mahigpit ang kahit sinong sabihin mong "'i-love" nya); "Smile!" (alam na alam na nyang mag smile at magpa cute sa camera); etc... She also now crawls very fast (ang hirap na ngang habulin, pano pa kaya 'pag naglalakad na? whew!) and she now tries to stand while holding onto something. Masyado na ngang malikot at mahilig magkakalikot ng kung anu anong bagay. She babbles a lot of baby words and even hums as if she already wants to sing. She appreciates the tv more (especially the commercials and the cartoons, basta kahit anong colorful at may playful sounds na mapanood nya sa tv) and she also now appreciates big and colorful toys more (kaya masarap nang dalhin sa Toy Kingdom!). Hindi na rin siya masyadong nangingilala at nagpapakitang gilas na rin minsan even in front of a lot of strangers. Medyo "makulit" na rin pero syempre she doesn't understand things pa naman kaya ok lang at cute pa tingnan. Humahabol na rin siya sa amin ni Hubby Jomski kapag umaalis kami kaya ang hirap na ring iwanan minsan (kaya tuloy naiisipan kong magresign. I wanna be with my baby 24/7, huhuhu!). O nga pala, medyo nagkaka hair na rin ang baby ko (For sure, mami-miss ko ang ulo nyang kalbo!). Hay, the joys of being a mom! There are more things to say, kaso ang haba na neto! (hehe). (For her first videos on her 8th month, click here and here.):::

Tuesday, November 6, 2007

Ang Mag-tatay na Kalbo

Joms had a new hair cut this weekend. Matagal tagal ko na rin siyang kinukulit na magpagupit dahil ako ang naiinitan sa buhok nya. Hindi ko naman akalain na seseryosohin pala nya ang pagpapakalbo. Pero ok na rin, at least presko tingnan! At saka pareho na sila ng anak nya (actually, mas makapal pa nga ng konti ang buhok ni Masheng sa kanya ngayon...).

Nakakatuwa kasi parang di siya agad nakilala ni Masheng nung una siya nitong makita right after having his haircut. As in tinitigan lang siya nito na parang takang taka ... But of course later on, nasanay rin siya sa ulo ng Papa nya ...

Hay, gustong gusto ko na ring magpagupit, kaso 'di ko pa rin alam kung anong style ang ipapagawa ko ... Kung pwede lang na magpakalbo din ako, no (para 3 itlog na kami, hehehe!).

Before: Tuwang tuwa si Masheng sa pagsabunot sa Papa nya...

After: "Wala nang masabunutan pero enjoy pa rin siya maglaro sa ulo ni Papa..."

Monday, November 5, 2007

Masheng Eating Fries


"Big girl" na ang baby ko. Behave lang sa high chair while eating ice cream and fries (basta may food, behave siya, hehehe). Check out the video here.


"Masarap kaya 'to?"

"Matikman na nga!"

"Hmmm, sarap nga!"

"Where's the Light?"


Since Halloween is over, Joms and I decided to start adorning our home with Christmas decors. We set up the tree first (which we bought 2 years ago), and put some decors and lights. We also decorated our door with pink garlands and a big red Christmas sock (together with Masheng's cute little sock) which will be filled with candies for my girl on her very first Christmas celebration...


Our baby was so amazed with the Christmas lights. She's always been fascinated with colorful lights. Maybe that's the reason why her very first trick has something to do with, of course, the light. Just ask her where the light is (or where the lights are) and she'll obediently look up with pouting lips as if pointing at its direction... She's even cuter and more adorable whenever she does that! That's why we never get tired of asking her the magic question, "Where's the light, baby?" And now that we have more colorful lights at home, Masheng will surely enjoy pouting her lips more ...


Of course, as a mom, I'm so proud now that my little girl starts learning things. Im looking forward to teaching her more tricks and sharing it with you, guys! Check out the video here.

Friday, November 2, 2007

All Saint's Day 2007

My family, relatives and I went to Loyola Memorial Park in Marikina yesterday to visit our loved ones' tomb (my granda ma and grand pa's). It's been 2 (or three years) since I last went there. I wasn't able to go there last year since I was pregnant with Masheng then. Ang bilis ng panahon! Ngayon, kasama na namin si Masheng sa pagdalaw sa puntod ng kanyang great grandparents. As usual, happy na naman ang anak ko dahil nakalakwatsa na naman kahit mainit (dahil tanghaling tapat kami umalis, tsk! Filipino time nga naman... walang nangyarisa usapan namin namin na madalaing araw aalis) at kahit pa nag commute lang kami. It was her first time to to go to a memorial park. Finally, 'naipakilala' rin namin siya sa lola at lolo ko (na kamukha nya, hehehe). Well, para lang kaming nag picnic. Masaya kasi ang dami namin, eh! Kainan, laro ng Binggo (sila lang, 'di ako marunong eh!), libot-libot (ang daming tao!) at syempre, picture taking! (mawawala ba 'yun eh kasama ako?, hehe). Pero syempre,hindi mawawala 'yung pag alala sa mga loved ones namin which shows the real meaning of the occassion. Here are some of our pics taken yesterday.

Ready na ang bata ...

eating time!!! (busy sila lahat, pero ako pose pa rin!)

mga busog na ...

finally meeting "daddy buds" (her kamukha)...

"Taas pa, Papa!

"Tulog muna tayo baby..."

si Papa (my dad) lang ang wala...

beauty pageant?

"Waah, ang kati ng grass!"

One last shot bago umuwi ...

on our way home ...


Wednesday, October 31, 2007

Masheng's First Trick/Holloween Party

Masheng's First Trick or Treat/Holloween Party

We just had our own Holloween party here at our working place. I was sooo excited for my baby since it's her very first costume party experience! (That's why, we had prepared a month before the event.). She was wearing a beautiful pink fairy costume and she looked so adorable in it! Almost everybody was saying, "Aaaaw!", "So cute!", "Adorable!" etc ... which made me really really proud! I think I'm starting to be a real stage mom (I guess, I got it from my own mom!).

By the way, I wore a witch's costume. I was really having a hard time chosing what to wear. I've been wanting to wear an angel or a fairy costume (actually I really wanted to impersonate Cleopatra), but since I'm too busy I didn't get enough time to prepare those. So I ended up wearing a simple back dress and witch's hat (with matching make up of course!). But even I didn't get that best costume award, the party was still indeed a blast! At least, my baby received an award for being the best in modelling and for having the best costume. (More pictures here .)

my cute li'l fairy...

mommy witch and baby fairy...

Cimg1089papa devil, baby fairy, mama witch

Cimg1079

trick or treat!

Cimg1082 Cimg1084the kids ...

Cimg1088


"nagutom ang fairy..."

Tuesday, October 30, 2007

My Giving Birth Experience

Another old entry from my other blogs. This is about my experience of giving birth to my baby Marchelle. I was so excited to tell the whole world that I already gave birth that I actually fled from the house to a computer shop nearby 2 days after being released from the hospital just to tell my story through my blog (since we don't have a PC at home). I even had to make "takas" from my hubby Jomski and the odds since they didn't really wanna allow me to go out then (since mabibinat daw ako). But being a blog addict at dahil na rin sa sobrang excitement, nakatakas pa rin ako. Besides, I didnt want to forget every detail kaya pinilit ko talagang makapag blog agad (kahit masakit pa ang tahi ko at 'di pa ko naliligo nun... hehehe). Warning lang po, mahaba haba po ang entry na 'to. So grab a cup of coffee para 'di kayo antukin sa pagbabasa (hihihi).

------------------------------------------------------------------------------------------------
MARCH 19, 2007

Hi guys, musta? Ako, heto, certified mommy na!!!

Gulat kayo no? Actually ako rin. Akala ko, next week pa ako manganganak. Kaso, hindi na nakahintay si baby, hayun, lumabas na nung Friday, March 16, 2007. Hanggang Friday pa nga sana ako papasok sa work dahil March 27 pa naman talaga ang due date ko. Nagpa check up pa kami last Friday at sinabi ng OB ko na mukhang matatagalan pa at aabutin pa ng mga isang linggo bago ako manganak since matigas pa daw at hindi pa "ripe" ang cervix ko. Bumili pa nga kami ng gamot for one week para masiguradong hindi ako lalagpas sa due date ko (sayang nga, eh, d'di na namin nagamit since 2 days alang after the check up eh, lumabas na ang baby ko.). Balak ko pa ring ituloy ang paglalakad lakad para matagtag ako nang husto at 'di ako mahirapan sa pag ire. Kinagabihan, nagkaroon na ako ng "bloody show". Hindi naman ako nataranta since alam kong normal lang 'yun. Natuwa pa nga ako, kasi sign 'yun na medyo nag open na ang cervix ko. Pero hindi ko ineexpect na ganun kabilis! Nung gabing yun, eh, hindi na ako nakatulog. Medyo humihilab na ang tyan ko.

Tuloy tuloy ang paghilab until Thursday. Pero hindi ko pa rin alam nun na malapit na pala akong manganak. Nagdadalawang isip pa nga ako nun kung papasok ba or hindi. Tingin ko kasi that time, eh, kaya ko pang mag work. Tolerable pa naman kasi ang pain. Iniisip ko nga na false labot lang yung nararamaman ko. Although nagwo worried din naman ako na baka 'yun na nga 'yung simula at na baka kung saan ako abutan. Nag text na rin ako sa office, sinabi ko lang na malelate ako nang konti since pinakikiramdaman ko pa ang sarili ko. But then, 'yung boss ko na rin ang nagsabi na 'wag na muna akong pumasok at mag rest na lang muna sa bahay (naliligo na nga ako nung tumawag siya). Magkita na lang daw kami kinabukasan for my baby shower. (Ironic kasi, 'di na ako umabot. Nagtetext pa ung mga officemates ko nung Friday morning bago ako ipasok sa delivery room at tinanatanong kung makakapunta daw ba ako sa office for the party.). So hayun, naglakad lakad pa kami ni Joms at tumambay sa in laws ko. Tumawag din kami sa hospital at ang sabi ng OB ko, eh, magpadala na daw ako kung every 5 minutes na ang interval ng contraction. Nung hapon, eh, medyo dumadalas na ang sakit. Pero hindi pa siya ganun katindi kaya hindi ko pa rin naiisip na nagsisimula na pala akong mag labor. Kahit nung pag uwi namin nung gabi, eh, iniisip pa rin namin na ang nearest possible time na manganganak ako, eh after 2 or 3 days pa. Pinakikiramdaman ko lang ang sarili ko.

Ang asawa ko naman eh, panay ang kulit sa akin at pagpapatawa. Pero later, biglang sumeryoso at sinabing sa totoo lang daw, eh, natatakot talaga siya at nag aalis lang ng kaba. At 12:00 am, eh, mas nadagdagan 'yung pain at mas umikli na ang intervals nya. Kaya, naligo na ako at nagprepare (bawal daw kasing maligo after giving birth). Pinatawag ko na rin si Joms sa hospital at sinabi nga na maghanda na raw kami. Ang kulit nga ng loko, ayaw pa nga akong dalhin dahil baka daw pauwiin din daw kami, since feeling rin nya, eh, matatagalan pa. Nagtatawanan pa nga kami on our way there. Nandun kami at 1:00 am. The nurse did an IE, and she told us na 2 cm pa lang daw ang opening ng cervix ko so baka abutin pa daw ako ng hapon. But inadmit na rin nila ako, since nakakaramdam na nga rin ako ng sakit. Nung una, eh ok pa ako. Maya't maya ang sakit pero nakakausap pa ako nang matino at nakakatawa pa. Tulog pa nga si Joms nun. But right after my waterbag broke at 4 am, eh, ayun, na. 'Di ko na maipaliwanag 'yung sakit. Patindi nang patindi at halos wala nang pagitan. Pero, mabait naman ako. Hindi gaya nung iba na nagwawala at pinagmumumura ang ang mga nurse at doctor sa sobrang sakit. Hindi na nga ako nakaiyak. Napapaungol lang ako kapag nagko contract 'yung tyan ko. Maya't maya na rin ang pag IE sa akin at pagbibigay ng gamot. Mabilis naman ang pag dilate ng cevrvix ko kaya ang sabi sa akin nung nurse eh, hindi na daw ako aabutin nang tanghali.

Minutes before ako ipasok sa delivery room eh, matetempt na akong sabihin sa asawa ko na biyakin na lang ako. Pero syempre, tiniis ko pa rin ang sakit since I really wanted a normal delivery (bukod sa mas mahal, eh, mas mahirap at mas matagal magpagaling kapag na Ceasarian ako). At saka, andun na ako, eh! Nagtiis na lang din ako eh, 'di lubos lubusin ko na! Although medyo nanghihina na rin talaga ako nun at feeling ko eh 'di ko na kakayanin since parang pagod na pagod na ako.

Ipinasok ako sa DR at exactly 8:30. Madali ko namang natutunan ang pag ire. Ang galing ko nga daw sabi ng doctor. Eh pano ba naman, hindi na ako kailangan sabihan kung kailan dapat umire. Ako na 'yung kusang nagpu push everytime na magko contract 'yung tyan ko sa kagustuhan kong matapos na ang lahat. Akala ko nga, eh, aabutin pa ako ng isang oras dun. Habang andun, eh, panay pa rin ang dasal ko, na sana, eh, umokey anmg lahat. Naramdaman ko pa nga 'yung pag gupit sa akin. Right after that eh, lumabas na 'yung ulo ni baby. Sobrang 'di ko maipaliwanag 'yung feeling ko nung moment na 'yun. Magkakahalong gulat, amazement, pagtataka, excitement at kung anu ano pa ang naramdaman ko. Basta ang alam ko, sobrang nanlalaki talaga ang mga mata ko nung time na 'yun! Isa pang push at ayun na, lumabas na ang pinakamamahal kong anak at exactly 8:50 am (the third stage lasted for only 20 minutes). Another surge of different emotions came upon me. Syempre, una 'yung relief, totoo pala na once na lumabas na ang bata eh, mawawala at makakalimutan mo bigla 'yung lahat ng sakit na naramdaman mo sa magdamag. Syempre, sobra sobra rin ang saya ko, ang alam ko nga eh, umiiyak at tumatawa ako habang tinitingnan ko siya. Basta ang alam ko, nadagdagan na naman ang pinakamasayang moment ng buhay ko. After that, wala na akong alam, nakatulog ako for 6 hours. 3 pm na nung magising ako. 'Di ko na nga masyadong napansin 'yung mga dumalaw sa akin since groggy pa ako dahil sa sobrang pagod (ikaw ba naman ang mag labor for more than 10 hours).

One and a half day lang akong nag stay sa hospital. Mabilis naman kasi akong lumakas. Syempre sobrang proud ako as a mom, kasi kinaya ko. Buti na lang talaga at hindi ako na CS. Actually, muntik pa nga daw since nakapulupot daw 'yung umbilical cord ni baby sa ulo nya nung lumabas. Kung nagtagal tagal pa daw eh, malamang biniyak na nila ako. Grabe!, nakakatrauma (kaya nga parang ayoko nang masundan). Akala ko talaga hindi ko kakayanin. Totoo pala yung sinasabi nila na parang nasa hukay ang isang paa ng babae kapag nanganganak, at na talagang mapapatawag ka sa lahat ng santo habang nangyayari 'yun (although 'di ko naman 'yun ginawa, iisang Dyos lang ang tinawagan ko!). At least nakaraos na ako.

At 'eto nga kami, sobrang happy as a new mom and dad. Balewala ang lahat ng hirap at sakit ngayong andito na si Baby Juliana Marchelle. Sobrang spoiled na nga! (unang apo kasi!). Thankful ako kasi, naging maayos ang lahat bukod sa healthy at normal si baby! Sobrang busy na rin kaming mag asawa kasi hands on talaga kami sa pag aalaga sa kanya. Although were lucky din kasi, ang daming nag aagawan sa pag aalaga sa napaka ganda at napa cute naming bay!

O sige po, tuloy ko na lang ulit ang kwento ko next time. Umiiyak na daw si baby eh! Magpapa dede pa ang mommy so balitaan ko na lang kayo ulit!!!