Yesterday was our first time to get really worried about Masheng. First time namin syang nakitang talagang hindi okey (although she was trying to show us that she was).
Actually, days before pa lang eh, on and off na ang fever nya due to cough and colds. Napa-check up na rin namin sya last Tuesday and she's been taking medications since then. Nag improve naman sya. Actually, masigla sya at 'di na nilagnat ulit the whole day. Until, 'nung gabi nga, ayun na, nataranta kaming lahat.
At first, akala namin giniginaw lang sya. So, binihisan ko ng sweater at pajama. Kanta kanta pa kami and I was even taking her video. Akala ko antok lang sya since her eyes were so drooppy and she looked sleepy tired. Later ko lang na-realize na parang iba 'yung complexion nya, (para bang maputla na medyo nangingitim) plus wala ring kulay ang hands at feet nya. I called hubby immediately at napansin 'din nya nga na parang may iba so he called my cousin Murrey (who's a nursing grad). Sugod naman silang lahat to see Masheng and 'yung nga, kahit sila napansin na something was wrong with her. Pero kahit ganun sya, pinipilit pa rin nyang kumanta at makipagkulitan sa kanila. We decided to bring her to the hospital right away. Actually, sumunod lang ako since working time ko nung nangyari 'yun at hindi ako pwedeng basta umalis dahil kailangang ko pang magpaalam. Pinilit kong 'wag maiyak kahit sa totoo lang, sobrang worried ako. I prayed to God and tried to relaxed while thinking that she'd be ok. Right after settling things, sumugod na rin ko sa hospital, Hindi na nga ako nagbihis kaya nakarating ako sa hospital nang naka tshirt at short na pambahay...
When I got there, andun sila sa reception area. Kumarga si Masheng sa akin and asked for water. Mainit na sya that time pero sabi nila, bumaba na daw ang lagnat. Imagine, her body temperature was 39.8! Hindi namin alam, kinu-kumbulsyon na pala ang anak ko! Nasa loob daw kasi ang lagnat nya nung una kaya hindi namin narealize agad. Nataranta na rin siguro kami kaya hindi na kami nakapag first aid sa house at dineretso na agad sya sa hospital. We stayed there for maybe more than an hour. Habang andun, inaaliw namin si Masheng kasi medyo cranky and sleepy na sya. Buti na lang at nakatulog din. She got ok afterwards so we decided not to have her admitted anymore. She had a blood and and a urine test. Wala namang nakita sa blood nya. Unfortunately, the doctor found out that she has UTI so kailangan syang resetahan ng panibagong antibiotic.
at the hospital... in mama's arms
Sleepy and tired.
She's quite ok now. Although there are moments na nagiging cranky pa din. Inoobserbahan pa rin namin sya kasi baka maulit 'yung nangyari kagabi. Haaay, nakaka paranoid. Parang gusto ko maya't maya syang dalhin sa hospital just to make sure that there's nothing wrong with her.
No comments:
Post a Comment