She started having a fever last Thursday. We thought that it's all because of the weather. Grabe kasi ang init dito lately. Sumasabay pa ang tubo ng teeth nya. Pero kahit may dinadamdam, sobrang likot at bibo pa rin... kahit pa nga on and off ang fever nya for 3 days. May time pa nga na nag 39 ang body temperature nya at nagawa pa nyang ngumiti at sumayaw samantalang kami eh, natataranta na at halos isugod na siya sa hospital. Buti na lang at napababa namin ang lagnat nya at hindi siya kinumbulsyon. The next day, she was ok. HIndi na nilagnat ulit at just like the usual, sobrang sigla pa rin so akala namin ok na.
Then, came Sunday... Hubby Joms noticed red rashes on Masheng's face. Actually, the night before eh, napansin ko nang medyo mapula ang scalp nya. I just thought that it was because of the heat coming out form her body since nilagnat nga siya days before. As usual, hyper pa rin naman si Masheng but we didn't want to take a risk. We still brought her to the nearest hospital for an emergency check up.
Una kaming nagpunta sa iang public hospital nearby. I really didn't want to go there but hubby told me na i-try lang namin since 'yun nga daw ang pinaka malapit. Since Sunday ngayon, sarado ang OPD ward at emergency ward lang ang bukas. We waited for almost an hour since they were having several emergency cases. I wasn't surprised to see a dead man's corpse lying on one of their beds since nung nasa labas pa lang naman kami, eh napi feel ko na ang komosyon ng mga taong labas masok sa emergency room. But I was taken aback when the attendant called us and told me to take Masheng inside na para bang walang patay sa loob. Despite my hesitation, pumasok na rin ako sa kagustuhan kong matapos na ang lahat at makauwi na rin kami. Mas lalo akong nagulat when she told me to put my baby on the weighing scale ('yung pang bata) na bukod sa sobrang dumi eh, katabi pa nung patay! Buti na lang at bago pa ako makapag protesta eh, nagloko si Masheng kaya hindi na pinilit nung babae na matimbang siya dun. Later on, kinuha naman ang body temperature nya. Bago ko pa masabi 'dun sa girl na kami na lang sa bahay (dahil alam kong ang mga gamit nila 'dun eh gamit nang lahat) eh, naisuksok na nya sa kilikili ni Masheng ang thermometer nila kaya hindi na naman ako nakapag reklamo. Lumabas muna kami since I was really scared na mahawaan ang anak ko nang kung anu anong sakit. The attendant followed at parang nainis pa at sinabing hindi daw nya kami susundan nang susundan. Gustong gusto kong sabihin na, "Hoy hindi mo ba nakikitang may patay sa loob?". Pero nanahimik lang ako since ayoko namang masabihang mayabang or whatsoever. In the first place, sasabihin lang nila na walang bayad ang services nila kaya walang karapatang magreklamo at mag inarte ang mga pasyenteng pumupunta sa ganun.
Later, parang hindi ko na kayang mag stay pa. Nahalata ni hubby na sobrang disturbed na ako so he told me na umalis na lang kami at lumipat sa private hospital. 'Di na ko nagdalawang isip. Dali dali kaming lumabas at hindi na nagpaalam 'dun sa attendant kahit na hindi pa tapos ang check up.
Ang sama sama ng pakiramdam ko. Feeling ko ang sama sama kong ina for having my precious girl experienced such a thing. Hindi ko kasi talaga alam na ganun pala sa public hospitals. Never pa akong nagpatingin sa ganun at first time din namin na ipa check up si Masheng since ngayon lang talaga siya nagkasakit. For her vaccines and regular check ups naman eh, lagi kaming 'dun sa private clinic ng pedia nya pumupunta. Ngayon lang talaga kami sumablay, siguro bunga na rin ng pagkataranta this morning.
I know that parents should always give what's best for their kids. I feel bad because I almost failed to do it today. But I promise that, it would be the last time na dadalhin ko ang anak ko 'dun. I won't ever have my precious daughter's feet set on such a place again. I'm not being arrogant or conceited. I just wanna give what my baby truly deserves.
"I'm so sorry, anak..."
No comments:
Post a Comment