Monday, December 17, 2007

My Marchelle Turned 9 Months


Masheng celebrated her 9th month last Sunday, December 16, 2007. Three more months togo before she turns one. Feeling ko kinakapos na ako ng oras kasi wala pa akong nagagawang preps for her 1st birthday. Nagka canvass pa lang kasi ako at nag-i inquire sa mga suppliers. Anyway, I decided to have Precious Moments as a theme. 'Yun nga lang mukhang mahihirapan akong humanap ng goodies and give aways since it's not that common. Masyado namang mahal 'yung mga original PM stuffs. But 'yun na talaga ang gusto kong theme for my baby... well, I'll start organizing everything in January.

Anyway, Masheng is growing really fast. She acquired new tricks during the past month. She now knows to wave goodbye (unlike before na tinataas nya lang 'yung arms nya...). At sobrang likot na rin nya. She now pulls herself to stand kaya mas nakakatakot nang 'di mabantayang mabuti. I think she's about to learn to cruise and maybe in a few more weeks, she would take her very first steps. Actually we've been training her to walk; aside from letting her use her walker, we usually lead her to take small steps while holding onto us.

Mahilig na 'ding mag-aabot nang kung anu ano! In short, mahili nang magkalat! (she's always curious about so many things). She crawls really fast at nagpapahabol pa! She can also express her wants/likes and dislikes through her gestures and actions. Malakas na ring kumain ng rice and veggies. She's even more fonder of lights (lalo na ngayong Xmas season, lagi nang nagkakandahaba ang nguso sa katuturo sa bawat Xmas lights na makikita nya).

One thing na nakakatuwa about her is, 'yung fondness nya sa babies and kids. Whenever she sees a baby, she will just give her sweetest smile and she'll try to reach and hug him/her. Everytime naman na nakakakita siya ng mga kids na naglalaro sa street namin, eh, ngingisi rin siya na para bang nagsasabing, "Can I join you, guys?" She's very malambing. Basta feel nya ang isang tao, kahit pa stranger, eh, i-ha hug nya talaga ito nang mahigpit. Kahit nga 'yung mga "anak" nya (her dolls and stufftoys) eh, kina-cudle din nya. Though she can still be very snob 'pag bagong gising at wala sa mood.

Haay, ang sarap pala talagang maging mommy! I won't really get tired of documenting all her milestones and develoments and writting a lot of journals about her!

1 comment:

Anonymous said...

Today is my lucky day :)
Apple is giving review copies of iPad to 100 lucky person. Go to http://bit.ly/d9QOON and apply for it.