Wednesday, December 2, 2009

Masheng's Petti Skirt

Nakikiuso, hehehe... I've been eyeing on it since nauso...

I first saw this at Gingersnaps... but I bought this one from SM Department Store...

Masheng loves it! She feels like a princess when wearing it. She even dances like a ballerina kapag suot nya 'to...

We got the gray one. Out of stock na kasi 'yung ibang color (there used to be pink and lavender).

Buti na lang at cute din 'tong gray. At least I could match it with any blouse. Buti nga at may size pa for Masheng. We got it just right for Xmas... :)

Tuesday, December 1, 2009

Masheng Learns to Paint

Check this link to watch her video: http://almark71498.multiply.com/video/item/115/Masheng_Learns_to_Paint

Busy Baby

Proud of her little masterpiece...

Almost done! (may sore eyes si Big Bird)

Her finished art work... She calls it BIG PENGUIN

Friday, November 20, 2009

The Best All Saint's Day Ever

So ayun na nga, I gave birth on November 1... sabi ko na nga ba eh... nung nalaman ko pa lang na ang due date ko eh November 3, eh, kinutuban na ako na matatapat talaga sya ng All Saint's Day... Naka schedule pa ako na i-induce ng November 2 pero hindi na talaga nakahintay si baby... Well, mas ok na 'yun kesa sa ma overdue... At saka at least, nagkatotoo 'yung wish ko na magkapareho kami ng birth month (pareho naman kasing March si Masheng at Joms). Besides what's important was I had a safe delivery and that the baby is healthy and in a normal condition.


I started having bloody show on October 30. Akala ko nga eh manganganak na ako the next day kaya hindi ko na pinapasok si hubby (nakipagtalo pa sa boss nya, gusto kasi syang papasukin). October 31 came, mas thicker na ang show pero wala pa ring contractions. Pinakikiramdaman ko ang sarili kahit nung madaling araw na pero wala pa rin talaga. The next morning, at around 7am, ayun medyo humilab na. I woke hubby up, then nagprepare na rin ako (I took a bath, fixed the things that we needed to bring etc...). He called my OB and they advised me to go to the hospital right away. Kaso sabi ko, mayamaya na kami umalis. Mas gusto ko kasing nasa house muna para naaliw ako at hindi ko masyadong nararamdaman ang contractions (mild pa lang naman so kaya pang tiisin). Besides I wanted to spend more time pa with ate Masheng. That's gonna be the last time kasi na mag isa na lang sya. Kung pwede nga lang syang isama that day sa hospital eh.


We left before lunch time so by 12pm nakahiga na ako sa hospital bed. At around 2-3 pm, sobrang sakit na nya and sobrang ikli na ng interval ng contractions. Akala ko matatagalan pa since hindi pa nagbe break ang waterbag ko. Gustong gusto ko na ngang umire that time kaso hindi pa daw pwede. Kung mabait ako at tahimik nung nagle labor ako kay Marchelle, eh, medyo pasaway naman ako at maingay this time. Parang mas masakit kasi sya since mas active at mas mabilis ang pagle labor ko. I did some breathing exercises para ma-lessen 'yung pain. I was also given a sedative para makatulog din ako in between contractions.


Later on, ayun na, I felt the sudden urge of going to the bathroom. Nakakapanibago kasi nung kay Masheng eh, hindi ko na feel 'yun. All of a sudden, biglang andyan na pala 'yung head nya. Nataranta nga 'yung nurse kasi hindi pa ako naililipat sa DR that time. So sabi nya pigilan ko muna daw ang ma-ire. Naku, super hirap kaya, feeling ko that moment, huminga lang ako eh, lalabas na talaga si baby. Pag pasok sa DR, pinagpipigil pa din ako kasi nagpe-prepare pa sila. So ayun, dinaldal pa nila ako to divert my attention. Naka ilang contractions pa before finally eh pinayagan na nila akong mag push. Siguro naka 4 na ire ako bago lumabas si baby (kay Masheng nun, naka- 2 lang ata). I gave birth at 4pm.


When he finally came out, hinanda ko agad ang camera and took his very first video. (Click here to view). I really wanted to capture that moment kasi so kahit sedated na ako at groggy eh pinilit ko talaga syang makunan. Busy pa kasi sila sa pag aasikaso sa baby. Natawa na nga lang sila. But after that naman eh, sila na ang kumuha nung mga sumunod na pictures namin inside the DR.


Bagsak ako pagkatapos since groggy na talaga ako bago pa ako ipasok sa DR. Pero 4 hours lang ako nakatulog. I had some visitors kasi at 8pm so pinilit kong magising. I was able to sleep naman overnight so nakapag rest pa rin ako kahit paano. We came out the very next day. Bale 24 hours lang ako nag stay sa hospital since kaya ko na rin naman. Mabuti na rin, less gastos, hehehe.


I'm so thankful at nakaraos din after the long wait. My pregnancy with our child was not as easy as the first one kaya inip na inip ako.


We named our little boy Julian Marco Santino. JULIAN came from his gramps and MARCO came from his dad's name JOMARK (Just like Masheng's real name, JULIANA MARCHELLE). We added SANTINO since All Saint's Day sya pinanganak at saka napagitnaan ang birthday nya ng dalawang bagyo named Santi (October 31st) and Tino (November 2).


He weighs 7 pounds, much heavier than his ate (kaya pala medyo mabigat syang ipagbuntis). We're so happy since he's a normal and a healthy baby naman. As usual, kamukha na naman ng Papa. Very prominent ang pagkasingkit ng eyes nya. Hawig naman sila ni Masheng although, medyo mas matangos ang nose at mas manipis ang lips nya. Unlike Masheng noon na super kalbo, meron na syang konting hair. Pero ang puyo, dalawa rin (nakuha din nila sa Papa nila). 'Yung chubby cheeks lang ata ang nakuha sa akin pero ok lang, I'm very happy pa rin since I know that Joms is very proud na sya ang kamukha ng mga anak nya (ang lakas ng dugo eh, hehehe!).

View the pictures here.

Wednesday, November 18, 2009

Marchelle's 11th Magazine Appearance

Another one with Moms and Kids...

Masheng picking flowers...

Thanks Mommy Jane and Mommy Marielle for letting me know :)

Our Double Closer to Confidence Gift Pack

Yey! We finally got it!

Thanks Doublemint!

Excited si Masheng...

Our Giftpack (worth 2400)

Sangkatutak na Double Mint :)

Here's our entry to Double Mint's Closer to Confidence promo...

"This picture was taken during a Madonna and Child Fashion show somewhere here in Manila. I was so nervous since it was my very first time to model on a ramp. But seeing how confident my baby was, I was able to outcome my shyness. She's indeed my little confident booster! :)"

Sunday, November 8, 2009

Inroducing Our New Bundle of Joy... Julian Marco Santino a.k.a Baby King


He's finally here! After the long wait!

Hindi rin nagpapigil, November 1 din sya lumabas, hehehe... Pero ok lang naman since November 1 is All Saint's Day naman daw... 'Yun nga lang, laging Holiday ang birthdays nya... Well, we can always celebrate naman in advance... Pwedeng every October 31st na lang sya mag party para laging Halloween ang theme .

His complete name is Julian Marco Santino... almost same sila ni ate Masheng (her name is Juliana Marchelle naman)... JULIAN is a combination of her lolos and lolas names din. MARCO is of course from hubby's name JOMARK. We just added SANTINO since 'yun nga, he was born on All Saint's Day and napagitnaan din sya ng dalawang bagyo whose names are Santi (Oct31) and Tino (Nov2)... bukod sa favorite ni Masheng si Santino, hehehe... Originally, dapat KING JOMARK ang name nya, pero nagbago ng isip si hubby. Although Baby King pa din ang nickname nya, nakasanayan na kasi (we've been calling him that since nasa tummy ko pa lang sya)...

He weighs 7 pounds... mas malaki sa ate (Masheng was just 6.3). Kaya pala medyo mas hirap ako sa pagbubuntis, mas mabigat kasi sya... Mas pasaway din... Bukod sa mas malikot sya sa loob ng tummy ko eh, super demanding na agad... may pagka bossy... at saka mas iyakin. Mahilig ding mamuyat sa gabi kaya medyo naninibago ako... Iba pala talaga 'pag baby boy. Super takaw din... maya't maya ang hingi ng milk tapos nadede pa sa akin... :)

Pero mukhang advance din sya... He can already lift his head kapag nakadapa. He started doing it on his second day kaya nakakagulat... He already knows how to listen na rin and he sometimes interacts kapag kinakausap or kinakantahan namin...

Here are one of his first pictures. I'll be uploading more soon!



Monday, October 26, 2009

Marchelle's First Dental Visit

I've been wanting to bring Masheng to the dentist since she turned one. Kaso maraming nagsasabi na 'wag daw muna since she was still so young then. Baka daw matakot lang at mag iiyak eh masayang lang ang ibabayad namin. Actually kahit nga ngayong 2 na sya, eh sinasabi nila na masyado pa rin daw syang bata for that.

Kaso kailan pa? Hihintayin ko pa bang masira yung teeth nya bago kami pumunta sa dentista? Syempre sa una matatakot talaga since it's gonna be a new experience for her. It won't make any difference kung dadalhin ko sya dun at the age of 3 or 4. Mas mabuti nga 'yung mas maaga para maaga din syang masanay.

Ok pa naman ang ngipin nya, maganda at pantay pantay ang tubo. 'Yun nga lang nagkakaroon na ng konting stain 'yung upper front teeth nya. Mahilig kasi sa sweets bukod sa nagmi milk pa sya. Kahit toothbrush-in kong mabuti, hindi natatanggal. Worried ako na magtuloy tuloy ang pagkalat nun at tuluyang masira ang ngipin ng baby ko eh sobrang bata pa nya. So I finally decided to bring her to the dentist na. Kesa naman magkasisihan pa sa huli.

At first, I really wanted to bring her to a pediatric dental clinic. 'Yun bang tipong may mga toys at colorful ang walls para maging at ease daw ang mga kids at hindi matakot habang chine check ang teeth nila. Kaso 'yung una naming napuntahan eh magsasarado na that time. Sabi ko babalik na lang kami. Well blessing in disguise na rin 'yun kasi napaka mahal naman ng singil nila. Imagine, magbabayad ka agad ng mga 500 or 600 ata for the initial consultation pa lang... as in sisilipin pa lang 'yung teeth ng bata, wala pang cleaning or whatsoever. Parang sobra naman ata 'yun. Eh ang gusto ko lang naman that time eh malinis ang teeth ng anak ko. Hindi daw talaga pwedeng 'yun lang ang babayaran, may initial fee daw talaga muna. Ganun din sa isa pa naming napuntahan. Oh well, ganun ata talaga 'pag sa pediatric clinic ka nagpunta.

Buti na lang at may napuntahan kami (at the same mall) na mas mura and yet ok na ok naman. 'Yun nga lang, hindi sya pediatric dental clinic so wala silang mga toys and stuff na aaliw sa mga kids. Buti na lang at meron silang aquarium na syang umaliw kay Masheng.

Kung tutuusin mas ok pa nga kasi nga tahimik (walang batang nagkalat at magugulo) and malinis (walang nagkalat na toys at kung anu ano) ang clinic nila. 'Yung dentist pa mismo ang initially nag entertain sa amin at nagbigay ng recommendations bago ang actual check up. Unlike dun sa unang 2 pedia clinics na napuntahan namin, hindi man lang namin nasilip ang dentista nila para nakapag tanong tanong muna kami dahil nakaharang na agad ang receptionists/assistants nila (na hindi naman ganun ka-friendly).

Higit sa lahat, magaling 'yung dentist. Kahit pa hindi sya nag specialized on kids lang, marunong din naman syang mag handle ng kasing bata ni Masheng.

At first, medyo kinabahan ang baby ko, syempre first time eh. That time, si Joms pa ang may kandong sa kanya. Nung pumalit ako, medyo naging at ease na. Magaling din 'yung stategy na ginamit ng doktora sa kanya to make her feel comfortable. She was able to clean Marchelle's teeth without any difficulty. You can view the video here: http://almark71498.multiply.com/video/item/113/Marchelles_First_Dental_Check_Up

Proud naman ako sa baby ko at nag behave sya all throughout. Gustong gusto pa nga and I know that she was proud of herself din since we've been praising her for being a good girl. As a reward, she was given a "hand balloon" (pinalobong glove) by her dentist. Tuwang tuwa naman ang bata sa kanyang new toy.

Sulit na sulit ang 800 na binayad namin. We paid 300 for the consultation and cleaning and 800 for the flouride application which is good for 6 months na (I heard na nasa 1K plus 'yun sa mga pedia dents). O diba, kung nagtuloy siguro kami dun sa mga unang clinic na napuntahan namin eh gagastos kami ng 2000 plus.

It was indeed a great first dental experience for my baby. Thankful talaga ako since hindi naging traumatic ang unang dental check up nya. We'll definitely go back there after 6 months. Ngayon, hindi na sya takot sa dentist and hindi na rin ako magwo worry about my baby's teeth...

Unang Bukol

(LATE POST)

* This happened two weeks ago at Manila City Hall...

Sobrang likot kasi, ayaw pasaway... takbo dito takbo doon...

Hanggang sa... ayun, nadapa na nga, una pa ang mukha! ... pati ilong sumadsad sa lupa (lalo tuloy napango, hehehe)...

Todo palahaw sya pagkatapos... At pag uwi nami ng bahay, lahat kinwentuhan at pinagsumbungan ng masaklap nyang karanasan...

Kawawang bata... buti na lang at hindi nagpeklat...

Sana lang madala na... pero mukhang hindi eh... malikot at makulit pa din... manang mana sa pinagmanahan... haaaay!

Thursday, October 22, 2009

Marchelle's First Shots

Masheng now knows how to take pictures!

Before she would just pretend to be holding a camera. She would often ask us to strike a pose, then would count from 1 - 3 and would say "Click!".

Now she knows how to use a real one! Whenever she sees us holding our cam, she would grab it from us and say, "Picture kita ha?"...

Here are her very first shots...

"Smile, Mama!"


"One more time!"

With Papa naman daw...


I don't really like the way we look at those pictures (lalo na ako, hahaha... walang kaayos ayos!) but I would definitely keep them as a remembrance.

She also tried taking a picture of herself, but it seems she would need more practice on this...



Way to go my baby! Practice lang nang practice para ma convince natin si Papa na bumili ng DSLR, hihihi!

Tuesday, October 13, 2009

Scrapbooking with Masheng

At first, I thought that I couldn't work on her second scrapbook with her around since she's so makulit and malikot. Gusto nya kasi, lahat ng gagawin ko eh, gagawin din nya. Pati yung mga scrapbooking tools ko, kinakalat.

But instead of pushing her away, I thought of getting her involved by giving her some scrapbooking tasks. As always, she enjoys the idea of being a big help in everything we do so ayun, she obediently followed my instructions and made herself busy with her tasks.

When she grows up, I would tell her that she helped me out with her scrapbook so she would treasure and appreciate it more. Sana nga matapos ko ASAP (I have to work on her 3rd scrapbook pa, yung pang second year nya...). 'Pag labas kasi ni baby boy, 'yung sa kanya naman ang gagawin ko. Although Joms told me na sya daw ang gagawa ng scrapbook ng junior nya (agawan daw ba ang mommy ng project, hehehe!).

Our busy baby... she now knows how to use a glue :)

Dikit lang nang dikit :)

Done with the first page!

Stickers on our wall! Na adik ata sa kadidikit :)