Tuesday, August 5, 2008

Marchelle's First Photo Shoot (Grasya's Fotografi 2008)

It was Masheng's first ever photo shoot. She posed as a toddler model for a professional photographer's portfolio. I really love the shots! Ang galing galing ni Mommy Grasya, kuha nya pa rin magagandang angle kahit sobrang likot ng anak ko... (to view all the pics, click here.)

Akala nga namin, hindi na matutuloy since it was raining hard last Sunday. Buti na lang may moments na humihinto ang ulan so nakatakas kami sa pag shoot. Syempre, tuwang tuwa na naman si Masheng dahil nakakita na naman ng maraming tubig (kahit na 'yung maliliit na drops ng ulan eh 'di nakatakas sa paningin nya at pinaglalaruan). Ok naman ang mood nya. Hindi lang masyadong mapangiti dahil sobrang busy siya sa paglalaro at pago-observe ng kung anu ano sa paligid (first time nya rin kasi sa place).

Thanks Mommy Grasya for these cute pictures. I really love them! Sobrang thank you talaga! Na inspire mo ata si hubby na mag aral na rin ng photography, hehehe. Although malamang matagal pa 'yun, syempre kailangan muna namin ng SLR na ubod nang mahal! O nga pala, pasensya na sa amoy ni Masheng bago tayo umuwi, hihihi! Nagpasabog nga at 'di na nakahintay makarating sa house... na-tense siguro sa shoot, hihihi!

So sa mga naghahanap ng magaling na photographer for your events like birthdays, wedding, debu, etc... I highly recommend Mommy Grace. She's also very friendly and fun to be with. You can view her other masterpieces at her Multiply homepage: http://grasyah.multiply.com/.

No comments: