I really love the Eheads! Grabe, ang galing galing pa rin nila. 'Yun nga lang, as you may already know, they were not able to finish their reunion concert. Ely was rushed to the hospital due to physical and emotional stress daw. Pero ok lang, sulit pa rin kasi wala pa rin silang kupas!
Ang nakaka tense na countdown... less than 9 minutes to go!
Kainis lang kasi ang layo namin. Expected ko pa naman na medyo malapit na kami sa stage since we bought the 1300 ticket (Patron). 'Yun pala meron pang VIP at SVIP sections. Eh sobrang dami ng tao at puno na 'yung unahan when we came to The Fort (we arrived before 7pm, so halos 1 hour pa kaming naghintay). Pero ok lang kasi, nasa harap naman kami ng isa sa mga big screens nila.
They were able to finish the first half though and they were able to sing around 11 songs ata. They started with Alapaap, followed by Ligaya. Grabe! Sabihin nyo nang OA pero I was almost teary eyed while they're were singing their 1st two songs. As in parang hindi ako makapaniwala na silang apat 'yun at na buo silang kumakanta that night. I know that others also felt the same. Nakakatuwa kasi 'yung ibang nanonood eh, vocal talaga sa pagsasabing, "Pare, naiiyak ako!" ... hahaha! Basta, ang hirap i explain ng feeling.
Raymond and Buddy
Marcus and Ely
I suddenly thought of my old friends (especially my highschool friends) and our memories that we had together while hearing the Eheads sing last Saturday. Syempre, sa panahon namin sila nauso at nakilala. We use to sing their songs together nung mga bata bata pa kami. Kaya siguro sobrang gusto ko sila at ang mga kanta nila since they remind me of our highschool days.
They also sang "Toyang", Fruitcake", "Hey Jay", "Kamasutra", "With a Smile", "Kailan", 'Wag Mo Nang Itanong", "Harana" at isang hindi ko alam ang title, hehehe. Sayang, hindi pa nila nakanta 'yung mga fave ko talaga like "Pare Ko", "Ang Huling El Bimbo", "Magasin", "Tindahan ni Aling Nena" at marami pa dahil nga sa nangyari. According to the promoter, may nakalinya pa silang 15 songs! Sabagay, mukha ngang 'di na kakayanin ni Ely na kumanta pa ng 15 songs that night. Bago nga matapos 'yung 1st half, nakita pa namin siyang umupo sa stage at niyakap ang gitara nya at mukhang napagod talaga.
After the 20 minute break, nag announce na sila na hindi na matutuloy since isinugod na nga daw si Ely sa hospital. It was his sister who announced it by reading a letter to everyone. Nalungkot man eh nagpalakpakan pa rin ang mga tao. Parang ayaw pa ngang umalis nang marami (including me)... baka nga naman joke lang pala 'yun or gimik. Or baka biglang bumalik pa si Ely at ituloy kahit masama ang pakiramdam nya, hehe. But since nag goodbye na sila at pinalalabas na 'yung mga tao eh, alam na namin na tapos na talaga ang gabi. Naku, kawawa naman 'yung mga kabibili lang ng ticket (may mahabang pila pa rin kasi sa labas kahit tapos na ang 1st half).
Medyo sad man ang ending eh masaya pa rin ang mga tao for seeing and hearing the best band of our time sing. Sulit pa rin 'yung binayad kahit pa nga 'di nila natapos 'yung concert. Pero syempre, mas masaya kung may part 2! :)
Happy after watching!
No comments:
Post a Comment