We've been wanting Masheng to have her very first hair cut since after her first birthday. We even went to Cuts for Tots since I want it to be something special and memorable. As you know, bukod sa maganda at very attractive for kids ang salon nila, eh, meron pa silang certificate na ino-offer. But as I was expecting, hubby Joms disapproved it since masyado daw mahal at hindi practical. Eh, babawasan lang naman daw ng konti ang bangs ni Masheng. Ayaw 'din naman kasi naming ipakalbo (just like what others do with their babies hair upon reaching a year old) or pagupitan nang mahaba so sayang nga naman kung magbabayad kami ng almost 500 for that. Sabi nya, if I really want it to be memorable eh, siya na lang daw ang gugupit. Gagawa pa daw siya ng cerificate kung 'yun lang daw ang habol ko.
Sabagay, mas meaningful nga naman kung ang unang gugupit ng hair ni Masheng eh kami. Meron naman kaming camera so hindi problema ang picure. Itinabi ko rin 'yung strands of hair na nagupit at gagawa din ako ng sarili naming certificate, hahaha! Saka na kami babalik sa cuts for tots kapag mahaba haba na ang gugupitin kay Masheng para naman masulit 'yung bayad. Pero matatagalan pa siguro 'yun since balak ko munang pahabain ang hair ng baby girl ko. Goodluck naman, baka sa time na 'yun eh libo na ang singil nila, hehe.
Anyway, nag behave naman si Masheng habang ginugupitan. Si Papa ang taga gupit, ako ang taga video at 'yung cousins ko ang taga hawak. Syempre, kailangang utu-utuin habang ginugupitan para 'wag maglikot.
Waaah, medyo nag mukhang boy nga lang si Masheng at saka parang lumobo 'yung face nya sa bago nyang hairstyle, hihihi!
Check out the video here.
No comments:
Post a Comment