Monday, July 28, 2008

Masheng's First Bath in the Rain


It was raining hard last Saturday afternoon. Imbes na magmukmok sa house eh naligo na lang kami sa ulan. The odds were protesting dahil baka daw magkasakit si Masheng. Hapon na kasi that time (mga 4pm siguro). So sinabi ko na lang na sandali lang kami. Hindi ko lang talaga mapalampas 'yung chance na 'yun since it was another first time for my li'l girl. Eh, bihira naman kasing umulan nang magkasama kami so baka wala nang susunod na chance. Syempre, naligo 'din ang Mama sa ulan, hehe. It 's been a long time since I last enjoyed playing in the rain. 'Sarap maging bata ulit! :)

Click here for the video.

Sunday, July 27, 2008

Masheng's Surprise Visit to Mama's Office

Last Friday (July 28, 2008), I was surprised when Masheng came here at the office with her papa. Akala ko kasi si Joms lang ang susundo. He didn't tell me na isasama nya si Masheng so I was really happy. She even brought "Polky" with her (her doggie stuff toy that her lolo papem (my dad) gave her). Nag iiyak lang nung una kasi nabigla ata nung pinalibutan ng officemates ko. But afer warming up, ayun, at home na uli siya. Haay, kung pwede lang, dadalhin ko talaga siya dito sa office everyday. Kaso ang hirap mag concentrate sa work na may bulinggit na bubuntot buntot kahit san ako pumunta.

"I'm gonna make some calls too, mom!"

Making herself busy.

.... nagkakalat ...

Ang kalat ni Masheng.

Papa ang Masheng waiting for me.

That's Polky!

Tuesday, July 15, 2008

Bath Tub Fun! (July 12, 2008)

Another set of pictures ni Masheng playing with water. This time, sa bath tub naman. Dumayo pa kami sa bahay ng ninang nya at nakigamit ng bath tub dahil wala kami nun sa house, hehehe! Excited na excited nga si Masheng when she saw na nilalagyan na ng tubig 'yung tub. Pabalik balik sa banyo at maya't maya ang silip habang nagsasabi ng "Ba-batch! Ba-batch!" (which means "magba-bath" na daw siya!). Nakakatuwa, kahit saan namin sya dalhin (mapa totoong pool, inflated pool, planggana o timba), eh, hindi pwedeng hindi siya mage enjoy basta may tubig. Hmmm, for sure, matutuwa siya 'pag ini-enroll namin siya sa swimming class, hehe...

Seryoso kunwari...

Tingin muna sa camera, anak!

Testing the water...

She looks excited...

Starting to have fun...

Ayan na!

Hala sige lang anak!

Enjoy na enjoy!

With matching dila pa!

Click here for the video.

Wednesday, July 9, 2008

Masheng Brushes Her Teeth on Her Own

It's Masheng's first time to brush her teeth! We finally taught her how to do it. Mahilig na kasi sa sweets and chocolates so as early as now, we want her to learn how to take care of her own pearly whites. We bought her a new toothbrush (Oral B for babies). Ok lang na mas expensive sa toothbrush naming mag asawa, hehehe. Of course, we want her teeth and gums to be really healthy kaya habang maaga eh, dapat matutunan na nya ang importance ng pagba-brush ng teeth. It's time to say goodbye to her baby toothbrush ('yung isinusuksok sa finger).

Check out the video here.

Masheng's First Hair Cut

We've been wanting Masheng to have her very first hair cut since after her first birthday. We even went to Cuts for Tots since I want it to be something special and memorable. As you know, bukod sa maganda at very attractive for kids ang salon nila, eh, meron pa silang certificate na ino-offer. But as I was expecting, hubby Joms disapproved it since masyado daw mahal at hindi practical. Eh, babawasan lang naman daw ng konti ang bangs ni Masheng. Ayaw 'din naman kasi naming ipakalbo (just like what others do with their babies hair upon reaching a year old) or pagupitan nang mahaba so sayang nga naman kung magbabayad kami ng almost 500 for that. Sabi nya, if I really want it to be memorable eh, siya na lang daw ang gugupit. Gagawa pa daw siya ng cerificate kung 'yun lang daw ang habol ko.

Sabagay, mas meaningful nga naman kung ang unang gugupit ng hair ni Masheng eh kami. Meron naman kaming camera so hindi problema ang picure. Itinabi ko rin 'yung strands of hair na nagupit at gagawa din ako ng sarili naming certificate, hahaha! Saka na kami babalik sa cuts for tots kapag mahaba haba na ang gugupitin kay Masheng para naman masulit 'yung bayad. Pero matatagalan pa siguro 'yun since balak ko munang pahabain ang hair ng baby girl ko. Goodluck naman, baka sa time na 'yun eh libo na ang singil nila, hehe.

Anyway, nag behave naman si Masheng habang ginugupitan. Si Papa ang taga gupit, ako ang taga video at 'yung cousins ko ang taga hawak. Syempre, kailangang utu-utuin habang ginugupitan para 'wag maglikot.

Waaah, medyo nag mukhang boy nga lang si Masheng at saka parang lumobo 'yung face nya sa bago nyang hairstyle, hihihi!

Check out the video here.

Monday, July 7, 2008

Masheng's 2nd Magazine Appearance

Magazine: Baby Mag (July 2008 issue)

Baby Gallery Theme: "I Love My Pet"

I wasn't really expecting this. As I've mentioned before, I was really having a hard time when we had a "shoot" at home because of my makulit at maliligalig na models (Masheng and my doggy Michi)... But I still tried submitting pics. Baka nakulitan sila kasi ang dami kong sinend na pictures. :) I even sent some of Masheng's pics with different animals kahit hindi naman namin pet, hihihi! Here are the other pictures that I sent.

Masheng kissing a li'l birdie that Papa caught on the street.

Future Sabungera. Mahilig 'din sa manok like her mom.

Brave Masheng!

Anyway, Michi is my very precious dog. Actually, I have one more, my sweetie Hanna. Kaso hindi sila vibes ni Masheng kasi nagseselos siya dito. On the other hand, Michi is very close to my girl. Kahit sinasakyan nya at pinang gigigilan eh, walang reklamo. :)

Masheng with my precious doggies Hana and Michi.

Thanks to Baby mag for choosing our picture! Congrats to my Masheng and to my doggie Michi! Sana more to come... :)

Tuesday, July 1, 2008

Masheng's Tent

We bought Masheng a new tent! We've been wanting to buy one since last month. Finally, nakabili rin kami. I don't like the design much though since I'm not a Dora fan. Pero mas malaki at mas maluwag kasi siya 'dun sa Disney Princess na gustong gusto ko sana 'yung color at design. I'm gonna buy plastic balls at Divi next weekend para may ilalagay kami sa loob ng tent nya! :)

Masheng's Dora Tent

"Let's open these..."

"Let's have some music."

Parang nagca- camping talaga!

Kissing Dora!

Happy Masheng :)

"Can I sleep here?"

Look who's inside... :)