It really hurts to see your baby pala being bullied and physically hurt by an older kid. Ok lang sana kung thru gestures or words lang, pero ibang usapan na kapag nakikita mong sinasaktan talaga ang anak mo...
Nung una, I was just observing her while she interacts with the other kids. Happy nga ako to see her playing and having fun in a big crowd. Medyo nagiging mahiyain kasi si Masheng ko lately so masaya ako kapag nakikita kong nage-enjoy sya with a lot of new faces around. Nung una, medyo nahihiya pa sya at ayaw humiwalay sa akin, but after warming up, todo na ang energy nya at 'di ko na mapigil. I just let her play around (without leaving my eyes on her of course) kahit na medyo worried ako na masaktan sya kasi she was one of the smallest ata. Eh mahilig pa naman 'yun makipag sabayan kahit sa mga boys at sa mga malalaki sa kanya. May pagka-maton naman si Masheng so hindi 'yun basta umiiyak unless nasaktan talaga.
I was also glad to see kids wanting to play with her. There was this little girl na gustong gusto syang laruin, she kept on running after her, hugging her, talking to her... natuwa nga ako kasi nakita ko naman na happy si Masheng habang naglalaro sila (sayang nga, hindi ko sila na-picture-an, ang lilikot kasi!). At kahit nagkasakitan sila nung huli, ok lang kasi alam ko naman na hindi sinasadya nung bata....
Pero there was this kid who was such a bully. Nung una, akala ko kagaya lang din sya nung little girl na gustong makipag laro kay Masheng. I saw her pinching my baby kasi. Akala ko naku-kyutan lang kaya ganun. But after a while, I realized na hindi 'yun yung kurot na lambing lang! Sinasaktan talaga nya ang anak ko! Ilang beses pa nyang kinurot si Masheng sa braso, sa likod at sa mukha! She also pulled her dress and her hair! At makikita mo sa facial expression and eyes nya na galit at na nanggigigil talaga sya sa baby ko! Si kawawang Masheng naman, walang magawa kundi haplusin ang braso nya na tinadtad ng kurot ng malditang bata!
Hindi muna ako lumapit. I observed further, baka naman kasi mali ako. Pero ganun pa din... at kahit saang anggulo tingnan, malinaw na malinaw ang nakikita ko...
So ayun, bago pa matadtad ng pasa dahil sa kurot ang anak ko, lumapit na ako at kinarga si Masheng. Sinabihan ko lang 'yung bata na, "Why are doing that? Don't do that to my baby..." in the calmest way possible (kahit sa totoo lang nanggigigil ako at gusto ko din syang kurutin!). Hindi ko naman pinagalitan, I just wanted her to realize na mali 'yun at na may nakakita sa ginawa nya. Siguro tama na rin 'yun kasi after that, hindi ko na nakitang sinaktan nya ulit ang baby ko kapag nagkakatabi sila...
Medyo naiyak ako kasi naawa ako kay Masheng. Ako nga, never ko pa syang napalo nang malakas at lalong never ko pa syang nakukurot! Good girl naman sya at hindi sya nang aaway. Sinumbong ko nga sa Papa nya... aba tinuturuan ba namang gumanti? Para daw matutong lumaban at hindi api-apihin at away awayin na lang. Part of me is saying na dapat nga ganun. Ako kasi mismo, hindi pumapayag nang inaapi at lumalaban talaga ako kapag alam kong ako ang nasa tama.
Pero alam kong mali 'yun, eh! I want my baby to be a good girl and to be someone who's nice to everyone like what she is now. Ayokong 'pag sya naman ang nasa ganung age eh, mam-bully din sya nang mas bata sa kanya.
Oh well, kids are kids. Siguro ganun talaga. Maybe normal lang 'yun sa age nila. It could be a stage that they have to go through while growing up. Who knows maging ganun din si Masheng someday (that's one thing that I really fear... takot akong lumaki syang bossy, bratty, maldita at salbahe sa ibang kids). But one thing is for sure, never ko 'yung kukunsintihin saying na "normal lang naman 'yan so dapat hayaan na lang"... Pag nangyari 'yun, I'll try my very best to help her get rid of it the soonest possible time. I hate those children who do that to other kids (hindi lang sa anak ko), kaya kapag sya naman ang gumawa nun, siguradong may palo sya sa akin (practicing pa, hehehe, hindi ko pa sya kayang paluin nang malakas, eh... well, matagal pa naman siguro 'yun)...
Actually hindi ko talaga alam kung anong tama at dapat gawin at isipin sa mga ganitong situation. Should I just let it pass... or dapat ba akong magalit. Tama ba na sinabihan ko 'yung bata or dapat more than that pa ang ginawa ko. Dapat ba kong magsumbong sa nanay or dapat palagpasin na lang (which is mahirap kasi anak ko 'yung nasaktan eh...)... Am I just over reacting (pasensya na kung ganun, first time kasing nangyari so I really don't know what to do)...
Advice naman po dyan... hindi talaga ako ready sa mga ganito, eh! Sa totoo lang I realized na napakadami ko pa palang pagdadaanan at dapat matutunan as a mom... Thanks po!