My little girl is already 8 months old! Grabe, 4 months to go at may todller na ako! Huhuhu, parang ayoko na nga siyang lumaki, eh! Gusto ko forever baby na lang siya! But of course, sa ayaw at gusto ko eh, lalaki at lalaki ang little angel ko. That's why, I never get tired of taking a lot of her videos and pictures and keeping her memoirs para ma preserve ko forever 'yung memories nya as my precious baby. Hay, 4 months to go at magb-birthday na si Baby March. I'm thinking so much about her party already (theme, venue, costumes, souvenirs or give aways, guests, food etc...hay, kaloka!). Feeling ko kasi, I'm already running out of time! 'Di ko pa kasi maasikaso since I'm also working. Ayoko rin namang iasa lang sa mga party organizers since gusto ko sana eh, ako ang mag plan ng lahat. Of course, I want it to be something special kahit hindi ganun ka-engrande since it's my baby's first birthday. Sabi nga ni hubby Jomski, maaga pa daw para problemahin ko 'yun. Ang mga guys talaga!
Anyway, nagca-canvass na rin ako for the supplies (suggestions naman po dyan... hihihi!). Iniisip ko pa kung anong theme ang maganda (I have so many in my mind: Barnie, Disney Princess, Disney Characters, Minnie, fairies, doggie theme... hay!). I'm also thinking about the best location. Gusto ko sana sa house na lang kaso maliit ang place namin, eh! As much as possible, gusto ko sana eh, dun sa place na mag-e enjoy 'yung mga kids. 'Yung ibang stuff, eh, 'di ko muna iniisip since madali na 'yun 'pag my venue at theme na ako. Hay, 'di bale, I have my hub naman to help me with everything.
By the way, now that my baby's already 8 months old, eh, we're looking forward to teaching her new cutie tricks. As of now, alam na nya 'yung "Where's the light?"; "Clap your hands!"; "Dance, Dance!" (basta sinabi mo 'yung word na dance at basta marinig nya 'yung mga favorite nyang dancing music, eh, tatalbog talbog na 'yun with matching pacute face); "Love Mama, Papa or the bear" (eto 'yung trick nya na iha-hug nya nang mahigpit ang kahit sinong sabihin mong "'i-love" nya); "Smile!" (alam na alam na nyang mag smile at magpa cute sa camera); etc... She also now crawls very fast (ang hirap na ngang habulin, pano pa kaya 'pag naglalakad na? whew!) and she now tries to stand while holding onto something. Masyado na ngang malikot at mahilig magkakalikot ng kung anu anong bagay. She babbles a lot of baby words and even hums as if she already wants to sing. She appreciates the tv more (especially the commercials and the cartoons, basta kahit anong colorful at may playful sounds na mapanood nya sa tv) and she also now appreciates big and colorful toys more (kaya masarap nang dalhin sa Toy Kingdom!). Hindi na rin siya masyadong nangingilala at nagpapakitang gilas na rin minsan even in front of a lot of strangers. Medyo "makulit" na rin pero syempre she doesn't understand things pa naman kaya ok lang at cute pa tingnan. Humahabol na rin siya sa amin ni Hubby Jomski kapag umaalis kami kaya ang hirap na ring iwanan minsan (kaya tuloy naiisipan kong magresign. I wanna be with my baby 24/7, huhuhu!). O nga pala, medyo nagkaka hair na rin ang baby ko (For sure, mami-miss ko ang ulo nyang kalbo!). Hay, the joys of being a mom! There are more things to say, kaso ang haba na neto! (hehe). (For her first videos on her 8th month, click here and here.):::
No comments:
Post a Comment