This morning, Hubby Jomski woke me up and asked, "Makakagising ka ba ng maaga ngayon?" I asked why. He told me na may libre daw na anti-rabies shots for dogs sa kabilang baranggay. He didn't say it twice. Mabilis pa sa alas kwatro ako tumayo, nabihis at naghilamos (wala nang toothbrush-toothbrush, hehe) para umabot sa project na 'yun (tampo nga asawa ko, kasi 'pag ginigising daw nya ako, naiinis ako sa kaya, pero 'pag dating sa mga aso ko, 'di nya ko kailangang kulitin pa!). Itinali ko agad 'yung isa kong baby (Michi), then we head to the said place para mabakunahan siya. It wasn't that easy to bring him there since hindi siya sanay na nakatali at 'di rin siya sanay sa maraming tao at mga sasakyan so ayun, nagwala ang loko. That's why I had to carry him until we reached the place. After him, 'yung isa ko namang baby ang dinala namin (Hana). It was worse dahil mas malaki si Babby Hana, as in dadalhin ka talaga nya kapag hawak mo 'yung leash nya. Buti na lang, my uncle was there para siya naman ang bumuhat kasi hindi ko talaga siya kakayaning buhatin sa sobrang taba at bigat nya, no? (asong baboy nga daw, hehe!). Mahirap pa naman 'pag 'yun ang nakawala kasi galit 'yun sa ibang aso. But at least, after all the struggling, eh, nabakunahan din naman siya. Well, timing na timing lang, kasi I was actually planning to bring them tomorrow to a nearby vet (na nagsara na pala). At least, 'di ba, naka save ako ng money? But dadalhin ko pa rin si Hana since kailangan nyang magpa pedicure kasi ang haba na ng kuko nya! Hindi naman namin kayang gupitan kasi ayaw ayaw nyang hinahawakan ang mga nails nya... Hay, ang hirap din ng may doggies, kasi para 'din silang mga babies na kailangan ng love and care. Pero ok lang, sulit naman, eh!
This is our baby boy Michi ...
Our darling girl, Hana...
No comments:
Post a Comment