Friday, November 20, 2009

The Best All Saint's Day Ever

So ayun na nga, I gave birth on November 1... sabi ko na nga ba eh... nung nalaman ko pa lang na ang due date ko eh November 3, eh, kinutuban na ako na matatapat talaga sya ng All Saint's Day... Naka schedule pa ako na i-induce ng November 2 pero hindi na talaga nakahintay si baby... Well, mas ok na 'yun kesa sa ma overdue... At saka at least, nagkatotoo 'yung wish ko na magkapareho kami ng birth month (pareho naman kasing March si Masheng at Joms). Besides what's important was I had a safe delivery and that the baby is healthy and in a normal condition.


I started having bloody show on October 30. Akala ko nga eh manganganak na ako the next day kaya hindi ko na pinapasok si hubby (nakipagtalo pa sa boss nya, gusto kasi syang papasukin). October 31 came, mas thicker na ang show pero wala pa ring contractions. Pinakikiramdaman ko ang sarili kahit nung madaling araw na pero wala pa rin talaga. The next morning, at around 7am, ayun medyo humilab na. I woke hubby up, then nagprepare na rin ako (I took a bath, fixed the things that we needed to bring etc...). He called my OB and they advised me to go to the hospital right away. Kaso sabi ko, mayamaya na kami umalis. Mas gusto ko kasing nasa house muna para naaliw ako at hindi ko masyadong nararamdaman ang contractions (mild pa lang naman so kaya pang tiisin). Besides I wanted to spend more time pa with ate Masheng. That's gonna be the last time kasi na mag isa na lang sya. Kung pwede nga lang syang isama that day sa hospital eh.


We left before lunch time so by 12pm nakahiga na ako sa hospital bed. At around 2-3 pm, sobrang sakit na nya and sobrang ikli na ng interval ng contractions. Akala ko matatagalan pa since hindi pa nagbe break ang waterbag ko. Gustong gusto ko na ngang umire that time kaso hindi pa daw pwede. Kung mabait ako at tahimik nung nagle labor ako kay Marchelle, eh, medyo pasaway naman ako at maingay this time. Parang mas masakit kasi sya since mas active at mas mabilis ang pagle labor ko. I did some breathing exercises para ma-lessen 'yung pain. I was also given a sedative para makatulog din ako in between contractions.


Later on, ayun na, I felt the sudden urge of going to the bathroom. Nakakapanibago kasi nung kay Masheng eh, hindi ko na feel 'yun. All of a sudden, biglang andyan na pala 'yung head nya. Nataranta nga 'yung nurse kasi hindi pa ako naililipat sa DR that time. So sabi nya pigilan ko muna daw ang ma-ire. Naku, super hirap kaya, feeling ko that moment, huminga lang ako eh, lalabas na talaga si baby. Pag pasok sa DR, pinagpipigil pa din ako kasi nagpe-prepare pa sila. So ayun, dinaldal pa nila ako to divert my attention. Naka ilang contractions pa before finally eh pinayagan na nila akong mag push. Siguro naka 4 na ire ako bago lumabas si baby (kay Masheng nun, naka- 2 lang ata). I gave birth at 4pm.


When he finally came out, hinanda ko agad ang camera and took his very first video. (Click here to view). I really wanted to capture that moment kasi so kahit sedated na ako at groggy eh pinilit ko talaga syang makunan. Busy pa kasi sila sa pag aasikaso sa baby. Natawa na nga lang sila. But after that naman eh, sila na ang kumuha nung mga sumunod na pictures namin inside the DR.


Bagsak ako pagkatapos since groggy na talaga ako bago pa ako ipasok sa DR. Pero 4 hours lang ako nakatulog. I had some visitors kasi at 8pm so pinilit kong magising. I was able to sleep naman overnight so nakapag rest pa rin ako kahit paano. We came out the very next day. Bale 24 hours lang ako nag stay sa hospital since kaya ko na rin naman. Mabuti na rin, less gastos, hehehe.


I'm so thankful at nakaraos din after the long wait. My pregnancy with our child was not as easy as the first one kaya inip na inip ako.


We named our little boy Julian Marco Santino. JULIAN came from his gramps and MARCO came from his dad's name JOMARK (Just like Masheng's real name, JULIANA MARCHELLE). We added SANTINO since All Saint's Day sya pinanganak at saka napagitnaan ang birthday nya ng dalawang bagyo named Santi (October 31st) and Tino (November 2).


He weighs 7 pounds, much heavier than his ate (kaya pala medyo mabigat syang ipagbuntis). We're so happy since he's a normal and a healthy baby naman. As usual, kamukha na naman ng Papa. Very prominent ang pagkasingkit ng eyes nya. Hawig naman sila ni Masheng although, medyo mas matangos ang nose at mas manipis ang lips nya. Unlike Masheng noon na super kalbo, meron na syang konting hair. Pero ang puyo, dalawa rin (nakuha din nila sa Papa nila). 'Yung chubby cheeks lang ata ang nakuha sa akin pero ok lang, I'm very happy pa rin since I know that Joms is very proud na sya ang kamukha ng mga anak nya (ang lakas ng dugo eh, hehehe!).

View the pictures here.

No comments: