I've been wanting to bring Masheng to the dentist since she turned one. Kaso maraming nagsasabi na 'wag daw muna since she was still so young then. Baka daw matakot lang at mag iiyak eh masayang lang ang ibabayad namin. Actually kahit nga ngayong 2 na sya, eh sinasabi nila na masyado pa rin daw syang bata for that.
Kaso kailan pa? Hihintayin ko pa bang masira yung teeth nya bago kami pumunta sa dentista? Syempre sa una matatakot talaga since it's gonna be a new experience for her. It won't make any difference kung dadalhin ko sya dun at the age of 3 or 4. Mas mabuti nga 'yung mas maaga para maaga din syang masanay.
Ok pa naman ang ngipin nya, maganda at pantay pantay ang tubo. 'Yun nga lang nagkakaroon na ng konting stain 'yung upper front teeth nya. Mahilig kasi sa sweets bukod sa nagmi milk pa sya. Kahit toothbrush-in kong mabuti, hindi natatanggal. Worried ako na magtuloy tuloy ang pagkalat nun at tuluyang masira ang ngipin ng baby ko eh sobrang bata pa nya. So I finally decided to bring her to the dentist na. Kesa naman magkasisihan pa sa huli.
At first, I really wanted to bring her to a pediatric dental clinic. 'Yun bang tipong may mga toys at colorful ang walls para maging at ease daw ang mga kids at hindi matakot habang chine check ang teeth nila. Kaso 'yung una naming napuntahan eh magsasarado na that time. Sabi ko babalik na lang kami. Well blessing in disguise na rin 'yun kasi napaka mahal naman ng singil nila. Imagine, magbabayad ka agad ng mga 500 or 600 ata for the initial consultation pa lang... as in sisilipin pa lang 'yung teeth ng bata, wala pang cleaning or whatsoever. Parang sobra naman ata 'yun. Eh ang gusto ko lang naman that time eh malinis ang teeth ng anak ko. Hindi daw talaga pwedeng 'yun lang ang babayaran, may initial fee daw talaga muna. Ganun din sa isa pa naming napuntahan. Oh well, ganun ata talaga 'pag sa pediatric clinic ka nagpunta.
Buti na lang at may napuntahan kami (at the same mall) na mas mura and yet ok na ok naman. 'Yun nga lang, hindi sya pediatric dental clinic so wala silang mga toys and stuff na aaliw sa mga kids. Buti na lang at meron silang aquarium na syang umaliw kay Masheng.
Kung tutuusin mas ok pa nga kasi nga tahimik (walang batang nagkalat at magugulo) and malinis (walang nagkalat na toys at kung anu ano) ang clinic nila. 'Yung dentist pa mismo ang initially nag entertain sa amin at nagbigay ng recommendations bago ang actual check up. Unlike dun sa unang 2 pedia clinics na napuntahan namin, hindi man lang namin nasilip ang dentista nila para nakapag tanong tanong muna kami dahil nakaharang na agad ang receptionists/assistants nila (na hindi naman ganun ka-friendly).
Higit sa lahat, magaling 'yung dentist. Kahit pa hindi sya nag specialized on kids lang, marunong din naman syang mag handle ng kasing bata ni Masheng.
At first, medyo kinabahan ang baby ko, syempre first time eh. That time, si Joms pa ang may kandong sa kanya. Nung pumalit ako, medyo naging at ease na. Magaling din 'yung stategy na ginamit ng doktora sa kanya to make her feel comfortable. She was able to clean Marchelle's teeth without any difficulty. You can view the video here: http://almark71498.multiply.com/video/item/113/Marchelles_First_Dental_Check_Up
Proud naman ako sa baby ko at nag behave sya all throughout. Gustong gusto pa nga and I know that she was proud of herself din since we've been praising her for being a good girl. As a reward, she was given a "hand balloon" (pinalobong glove) by her dentist. Tuwang tuwa naman ang bata sa kanyang new toy.
Sulit na sulit ang 800 na binayad namin. We paid 300 for the consultation and cleaning and 800 for the flouride application which is good for 6 months na (I heard na nasa 1K plus 'yun sa mga pedia dents). O diba, kung nagtuloy siguro kami dun sa mga unang clinic na napuntahan namin eh gagastos kami ng 2000 plus.
It was indeed a great first dental experience for my baby. Thankful talaga ako since hindi naging traumatic ang unang dental check up nya. We'll definitely go back there after 6 months. Ngayon, hindi na sya takot sa dentist and hindi na rin ako magwo worry about my baby's teeth...
No comments:
Post a Comment