Ilang buwan na lang at lalabas na ang junior namin. My due date according to my ultra sound is on November 3 ('wag naman sanang matapat ng November 1, hehehe). Pero pwede daw maging 2 weeks earlier just like what happened on my first pregnancy. Pero maganda sana talaga kung magiging November para pareho kami ng birth month (same naman kasi sina Joms and Masheng).
Malapit na rin naman 'yun, kaso parang naiinip na ako. I constantly have to remind myself na 'wag magmadali. Hindi naman ako nahihirapan sa pagbubuntis. Just like with Masheng, I enjoy every minute of it... lalo na ngayong malakas na syang gumalaw at sumipa. I'm just so excited to meet and finally see him kaya minsan parang naiinip ako. But come to think of it, mabilis na lang ang more or less 3 months di ba? For sure, I'd be missing being pregnant after I give birth. And this might be the last so dapat i-enjoy ko na lang. Sabagay, marami pa naman akong gustong gawin so I should not be in a hurry.
Syempre, una na dyan ang pamimili ng things for him. Konti na lang naman ang bibilhin namin. He'd be using some stuff that his ate had used like white colored and some unisex clothes, receiving blankets, crib, stroller, duyan etc... May mga kulang pa pero parang ang aga pa naman ata para mamili kami. But syempre nagtitingin na rin kami ng gamit whenever we go out and go to shopping malls. I'm also now eyeing on a lot of baby things online 'Yun nga lang, parang hindi ganun ka exciting mamili ng things for a baby boy. Parang pareho pareho lang kasi sila sa paningin ko. Well, I promised naman Joms that I will let him choose and buy things for the baby so bahala na syang mamili. 'Pag nasa malls nga kami, tine test ko sya minsan. I would ask him to choose from different baby boy stuff that we see to check on his taste. So far ok naman ang mga choices nya. But still, dapat kasama pa rin nya ako to make sure that he would buy things and clothes with good quality lang. Mahirap na, may tendency kasi 'yun na magtipid at bilhin ang pinakamurang mga gamit kapag sinumpong nang kakuriputan. Hindi naman kailangang mahal talaga 'yung mga bibilhin namin. But of course, I want all the best for my kids sana as much as possible. Marami naman dyang mga gamit na hindi ganun kamahal pero maayos naman ang quality.
Second, I want a preggy photoshoot. Hinihintay ko lang na lumaki talaga at maging full blown ang tyan ko. I'm also waiting for my linea nigra to appear ('wag lang sasabay ang mga pimples na tumubo sa tummy ko when I was preggy with Masheng). This might be my last pregnancy so I want to have a lot of souvenirs sana. Kaya 'wag na kayong magtaka kung bakit ang dami dami ko nang picture na naka expose ang tyan, hehehe. Proud lang naman ako to be preggy again. I even want a shoot by the beach (seryoso ako ha). Kaso sobrang busy naman ni Joms lately so wala syang time na dalhin ako sa tabing dagat. Hindi naman ako nun papayagan lumakad mag isa. Pero may ilang weeks pa naman ako to make plans so hindi pa ako nawawalan ng pag asa, hehe!
Next, I want a baby shower. Nung time kasi ni Masheng, nanganak ako dun sa mismong araw at oras ng baby shower ko (haha, pasaway na bata, lumabas agad, eh!). Pero I got all the gifts naman. This time, I'll make sure na andun ako. Kaya nga kinukulit ko na ang family ko 'to prepare a shower for me (sapilitan ito, haha!) as early as possible kasi baka mamaya sobrang late na naman at manganak na naman akong bigla!
I also want a 4D ultrasound. Hindi ko rin 'to nagawa nung preggy ako kay Masheng kasi nga napaaga sya ng labas. Nagiipon pa kasi ako ng money that time pangpa 4D when I suddenly gave birth!. Medyo mahal kasi so hindi ko sya nagawa agad. But this time, we'll make sure to have it. We already have a schedule this month pero we decided to have it a month after na lang para talagang malaki at kitang kita na sya.
I have to finish Marchelle's scrapbook and albums pa nga pala! I'm done with her first one (which includes all her first year's pictures and milestones) but since she turned two, I haven't have any of her photos printed yet. She's now 2 1/2 so just imagine kung gano na 'yun kadami! Idagdag mo pa 'yung mga elements and kits that I'd be using for scrapping. Buti na lang at tapos ko na 'yung online scrapbook nya. Gusto ko lang talagang tapusin lahat habang preggy ako kasi paglabas ni baby boy eh 'yung sa kanya naman ang gagawin ko.
I also want to complete Masheng's homeschooling stuff before giving birth. Sa laki ng gastos kapag may baby na eh baka mahirapan na kaming mamili nang mamili for her. So dapat kumpleto na sya sa gamit para hindi maudlot ang learning nya.
At syempre, kailangang mag ipon nang mag ipon nang mag ipon hindi lang for my delivery kundi para sa paglabas na rin ng baby. For sure, magiging triple na ang gastos namin that time so dapat well prepared talaga kami financially. Kaya nga pareho kami ni Joms na doble kayod ngayon just to make sure that we could provide at hindi mako compromise and needs ng mga kids namin kapag dalawa na sila.
Haaay, ang dami ko pa nga pala talagang dapat gawin kaya hindi ako dapat mainip. But I'm not pressuring myself naman. I just have to learn how to take things easily.
No comments:
Post a Comment