Saturday, March 7, 2009

Eraserheads: The Final Set

Isa lang ang masasabi ko: astig pa rin talaga ang Eheads, sobra!

Actually nung una, akala ko hindi ako mag-e enjoy. Ang sikip kami sa pwesto namin, plus ang hina pa nang audio. Nagugutom pa ako before the concert had started pero hindi kami makalayo to buy food sa takot na wala na kaming mapwestuhan pag balik (nasa harap na kasi kami ng big screen, sayang naman kung mawawalan kami ng pwesto). Tapos may mga umuutot pa, nakakainis! But when they started singing na, balewala lahat...

Ang galing galing pa rin nila, sobra! They sang their hit songs, Pare Ko, Alapaap, Minsan, Super Proxy (they also sang the chorus of Kaleidoscope World as a tribute to Francis M), Sembreak, Poorman's Grave, Harana, Torpedo, Overdrive, Ligaya, Toyang at syempre ang pinakahihintay na Ang Huling El Bimbo (with firerworks and confetti pa, so everyone thought that it was going to be the finale... hindi pa pala 'yun 'yung last... naglabasan na 'yung mga tao when they got back on stage and sang 3 more songs, kaya ayun, nagkagulo dahil nagbalikan ulit lahat!) and many more. (Check out my video clips here.) Ang kulit din nila on stage, para lang silang naglalaro. Pero parang mas mellow ang way ng pagkanta nila this time kesa nung unang concert. Nangyari din ang pinakaa asam na "group hug" (simula pa lang ng concert, hinihiritan na sila... sasabihin lang ni Ely, "Kayo muna!" or "Sinong Bruha?" hehehe... ang kulit). Actually, it was more of like a simple "akbayan" which lasted for just a few seconds, but still it made the whole crowd go crazy!

Nag enjoy kami ni Joms, sobra! Hehehe, actually, may kalokohan kaming ginawa! We bought bronze tickets since we didn't have much budget nga, pero napadpad kami sa GOLD section. Pano nangyari 'yun? Hehehe... nakalusot kami sa SILVER section at nag ober da bakod sa GOLD. Nasa harap pa namin ang mga bouncers at wala silang nagawa. Waaah, naiwan ko pa nga 'yung tsinelas ko, buti na lang at may magandang loob na nagbalik at naghitsa sa akin dahil kung hindi uuwi ako na isa lang ang suot!. We know that was silly, but it felt good to be like wild teeners again (hahaha, minsan lang naman no?). Kaya ayun, we enjoyed a nearer view without spending 3,000... Mataas lang 'yung bakod sa VIP kaya hindi na namin pwede akyatin, hehehe...

The stage from the GOLD section :

After the concert, I bought him an Eheads shirt then nag late lunch na kami sa MOA... Ang dami pa ring tao kahit halos 2AM na. Anyway, that was such a great "date" and The Eheads is still such a great band...

Sana nga, 'pag lipas ng taon, magkaroon pa ulit sila ng reunion concert. For sure kahit pa last na 'yun, people will never forget them. Their music had been such a great part of our youths. Sabi nga nila, lahat ng generation, may sariling soundtract. Totoo 'yun, at malaking bahagi sila ng soundtract ng mga kabataang kagaya namin... Mabuhay ang Eheads!

Click here to view my blog on their first reunion concert last 2008.

No comments: