Tuesday, October 30, 2007

My Giving Birth Experience

Another old entry from my other blogs. This is about my experience of giving birth to my baby Marchelle. I was so excited to tell the whole world that I already gave birth that I actually fled from the house to a computer shop nearby 2 days after being released from the hospital just to tell my story through my blog (since we don't have a PC at home). I even had to make "takas" from my hubby Jomski and the odds since they didn't really wanna allow me to go out then (since mabibinat daw ako). But being a blog addict at dahil na rin sa sobrang excitement, nakatakas pa rin ako. Besides, I didnt want to forget every detail kaya pinilit ko talagang makapag blog agad (kahit masakit pa ang tahi ko at 'di pa ko naliligo nun... hehehe). Warning lang po, mahaba haba po ang entry na 'to. So grab a cup of coffee para 'di kayo antukin sa pagbabasa (hihihi).

------------------------------------------------------------------------------------------------
MARCH 19, 2007

Hi guys, musta? Ako, heto, certified mommy na!!!

Gulat kayo no? Actually ako rin. Akala ko, next week pa ako manganganak. Kaso, hindi na nakahintay si baby, hayun, lumabas na nung Friday, March 16, 2007. Hanggang Friday pa nga sana ako papasok sa work dahil March 27 pa naman talaga ang due date ko. Nagpa check up pa kami last Friday at sinabi ng OB ko na mukhang matatagalan pa at aabutin pa ng mga isang linggo bago ako manganak since matigas pa daw at hindi pa "ripe" ang cervix ko. Bumili pa nga kami ng gamot for one week para masiguradong hindi ako lalagpas sa due date ko (sayang nga, eh, d'di na namin nagamit since 2 days alang after the check up eh, lumabas na ang baby ko.). Balak ko pa ring ituloy ang paglalakad lakad para matagtag ako nang husto at 'di ako mahirapan sa pag ire. Kinagabihan, nagkaroon na ako ng "bloody show". Hindi naman ako nataranta since alam kong normal lang 'yun. Natuwa pa nga ako, kasi sign 'yun na medyo nag open na ang cervix ko. Pero hindi ko ineexpect na ganun kabilis! Nung gabing yun, eh, hindi na ako nakatulog. Medyo humihilab na ang tyan ko.

Tuloy tuloy ang paghilab until Thursday. Pero hindi ko pa rin alam nun na malapit na pala akong manganak. Nagdadalawang isip pa nga ako nun kung papasok ba or hindi. Tingin ko kasi that time, eh, kaya ko pang mag work. Tolerable pa naman kasi ang pain. Iniisip ko nga na false labot lang yung nararamaman ko. Although nagwo worried din naman ako na baka 'yun na nga 'yung simula at na baka kung saan ako abutan. Nag text na rin ako sa office, sinabi ko lang na malelate ako nang konti since pinakikiramdaman ko pa ang sarili ko. But then, 'yung boss ko na rin ang nagsabi na 'wag na muna akong pumasok at mag rest na lang muna sa bahay (naliligo na nga ako nung tumawag siya). Magkita na lang daw kami kinabukasan for my baby shower. (Ironic kasi, 'di na ako umabot. Nagtetext pa ung mga officemates ko nung Friday morning bago ako ipasok sa delivery room at tinanatanong kung makakapunta daw ba ako sa office for the party.). So hayun, naglakad lakad pa kami ni Joms at tumambay sa in laws ko. Tumawag din kami sa hospital at ang sabi ng OB ko, eh, magpadala na daw ako kung every 5 minutes na ang interval ng contraction. Nung hapon, eh, medyo dumadalas na ang sakit. Pero hindi pa siya ganun katindi kaya hindi ko pa rin naiisip na nagsisimula na pala akong mag labor. Kahit nung pag uwi namin nung gabi, eh, iniisip pa rin namin na ang nearest possible time na manganganak ako, eh after 2 or 3 days pa. Pinakikiramdaman ko lang ang sarili ko.

Ang asawa ko naman eh, panay ang kulit sa akin at pagpapatawa. Pero later, biglang sumeryoso at sinabing sa totoo lang daw, eh, natatakot talaga siya at nag aalis lang ng kaba. At 12:00 am, eh, mas nadagdagan 'yung pain at mas umikli na ang intervals nya. Kaya, naligo na ako at nagprepare (bawal daw kasing maligo after giving birth). Pinatawag ko na rin si Joms sa hospital at sinabi nga na maghanda na raw kami. Ang kulit nga ng loko, ayaw pa nga akong dalhin dahil baka daw pauwiin din daw kami, since feeling rin nya, eh, matatagalan pa. Nagtatawanan pa nga kami on our way there. Nandun kami at 1:00 am. The nurse did an IE, and she told us na 2 cm pa lang daw ang opening ng cervix ko so baka abutin pa daw ako ng hapon. But inadmit na rin nila ako, since nakakaramdam na nga rin ako ng sakit. Nung una, eh ok pa ako. Maya't maya ang sakit pero nakakausap pa ako nang matino at nakakatawa pa. Tulog pa nga si Joms nun. But right after my waterbag broke at 4 am, eh, ayun, na. 'Di ko na maipaliwanag 'yung sakit. Patindi nang patindi at halos wala nang pagitan. Pero, mabait naman ako. Hindi gaya nung iba na nagwawala at pinagmumumura ang ang mga nurse at doctor sa sobrang sakit. Hindi na nga ako nakaiyak. Napapaungol lang ako kapag nagko contract 'yung tyan ko. Maya't maya na rin ang pag IE sa akin at pagbibigay ng gamot. Mabilis naman ang pag dilate ng cevrvix ko kaya ang sabi sa akin nung nurse eh, hindi na daw ako aabutin nang tanghali.

Minutes before ako ipasok sa delivery room eh, matetempt na akong sabihin sa asawa ko na biyakin na lang ako. Pero syempre, tiniis ko pa rin ang sakit since I really wanted a normal delivery (bukod sa mas mahal, eh, mas mahirap at mas matagal magpagaling kapag na Ceasarian ako). At saka, andun na ako, eh! Nagtiis na lang din ako eh, 'di lubos lubusin ko na! Although medyo nanghihina na rin talaga ako nun at feeling ko eh 'di ko na kakayanin since parang pagod na pagod na ako.

Ipinasok ako sa DR at exactly 8:30. Madali ko namang natutunan ang pag ire. Ang galing ko nga daw sabi ng doctor. Eh pano ba naman, hindi na ako kailangan sabihan kung kailan dapat umire. Ako na 'yung kusang nagpu push everytime na magko contract 'yung tyan ko sa kagustuhan kong matapos na ang lahat. Akala ko nga, eh, aabutin pa ako ng isang oras dun. Habang andun, eh, panay pa rin ang dasal ko, na sana, eh, umokey anmg lahat. Naramdaman ko pa nga 'yung pag gupit sa akin. Right after that eh, lumabas na 'yung ulo ni baby. Sobrang 'di ko maipaliwanag 'yung feeling ko nung moment na 'yun. Magkakahalong gulat, amazement, pagtataka, excitement at kung anu ano pa ang naramdaman ko. Basta ang alam ko, sobrang nanlalaki talaga ang mga mata ko nung time na 'yun! Isa pang push at ayun na, lumabas na ang pinakamamahal kong anak at exactly 8:50 am (the third stage lasted for only 20 minutes). Another surge of different emotions came upon me. Syempre, una 'yung relief, totoo pala na once na lumabas na ang bata eh, mawawala at makakalimutan mo bigla 'yung lahat ng sakit na naramdaman mo sa magdamag. Syempre, sobra sobra rin ang saya ko, ang alam ko nga eh, umiiyak at tumatawa ako habang tinitingnan ko siya. Basta ang alam ko, nadagdagan na naman ang pinakamasayang moment ng buhay ko. After that, wala na akong alam, nakatulog ako for 6 hours. 3 pm na nung magising ako. 'Di ko na nga masyadong napansin 'yung mga dumalaw sa akin since groggy pa ako dahil sa sobrang pagod (ikaw ba naman ang mag labor for more than 10 hours).

One and a half day lang akong nag stay sa hospital. Mabilis naman kasi akong lumakas. Syempre sobrang proud ako as a mom, kasi kinaya ko. Buti na lang talaga at hindi ako na CS. Actually, muntik pa nga daw since nakapulupot daw 'yung umbilical cord ni baby sa ulo nya nung lumabas. Kung nagtagal tagal pa daw eh, malamang biniyak na nila ako. Grabe!, nakakatrauma (kaya nga parang ayoko nang masundan). Akala ko talaga hindi ko kakayanin. Totoo pala yung sinasabi nila na parang nasa hukay ang isang paa ng babae kapag nanganganak, at na talagang mapapatawag ka sa lahat ng santo habang nangyayari 'yun (although 'di ko naman 'yun ginawa, iisang Dyos lang ang tinawagan ko!). At least nakaraos na ako.

At 'eto nga kami, sobrang happy as a new mom and dad. Balewala ang lahat ng hirap at sakit ngayong andito na si Baby Juliana Marchelle. Sobrang spoiled na nga! (unang apo kasi!). Thankful ako kasi, naging maayos ang lahat bukod sa healthy at normal si baby! Sobrang busy na rin kaming mag asawa kasi hands on talaga kami sa pag aalaga sa kanya. Although were lucky din kasi, ang daming nag aagawan sa pag aalaga sa napaka ganda at napa cute naming bay!

O sige po, tuloy ko na lang ulit ang kwento ko next time. Umiiyak na daw si baby eh! Magpapa dede pa ang mommy so balitaan ko na lang kayo ulit!!!

No comments: