Wednesday, September 29, 2010

PAGBABAGO

Sinasabing walang permanente sa mundo maliban sa “pagbabago”. Sa ating buhay, tayong lahat ay nakararanas nito. Walang eksepsyon, bata man o matanda, mayaman o mahirap, lahat ay daraan sa prosesong ito ng pagiging iba sa dati.

Isa sa pinaka malaking pagbabagong nagaganap sa atin ay ang pag iiba ng ating anyo o itsura. Habang tayo’y nagkaka edad, ito at nagaganap sa ating mukha at katawan. Kanais nais man o hindi, wala tayong magagawa kundi ang tanggapin at yakapin ang mga ito.

Naalala ko tuloy nung kabataan ko, maraming nagsasabi na meron naman daw akong angking ganda. Sa maniwala kayo o hindi, marami rami din naman akong naging mga taga hanga at manliligaw noon. At alam nyo ba, nakapagtatakang halos lahat sila ay iisa ang paboritong bitbitin kapag umaakyat ng ligaw sa aming bahay? Kung hindi puto, ay pulburon na galing at gawa sa Goldilocks. Palibhasa'y mura at kayang kayang bilhin ng mga binatilyong noo'y mga estudyante at totoy pa.

Pero sa lahat, isa lang ang aking napusuan. Katangi tangi sya maliban sa iisang bagay. Kagaya ng iba ko pang mga manliligaw, wala syang ibang binibigay sa akin kundi ang mga produktong mula sa Goldilocks. Paborito naman nyang pasalubong ang Krema de Fruta, alam nya kasi na gustong gusto ito nang buong pamilya. At alam nyo ba nasa sa Goldilocks nya rin ako dinala at pinakain nung unang date namin? Naalala ko pa, puto at dinuguan ang inorder nya at Pansit Malabon naman ang sa akin. Kay sayang balik tanawin ng mga unang ala alang iyon!

Lumipas ang panahon at kapwa kami tumatanda, nagbabago na rin ang aming mga itsura. Maraming beses na tila ba dumarating ang mga panahong nakadarama ako ng kalungkutan dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa aking pisikal na anyo. Pero sa kabila noon, ipinadarama nya pa rin na ako ang pinaka magandang babae sa kanyang paningin. At gaya ng dati, sa mga panahong gusto nya akong pasayahin, Goldilocks ang alam nyang nakapagpapangiti sa akin.


Kaya sa pagdiriwang ng aming ika apat na anibersaryo sa taong ito, hindi nakapagtatakang ito ang surpresa nya sa akin:



Kahit siguro lumipas pa ang panahon, mananatiling numero uno para sa amin ang Goldilocks. At kahit nga ngayong kami ay may supling na, ito pa din ang aming hinahanap at laging kapiling namin sa bawat mahahalagang yugto at selebrasyon ng aming buhay.



Mula noon, hanggang ngayon, mananatiling numero uno para sa amin ang Goldilocks. Marami mang mabago, at marami mang dumating, ito pa rin ang aming hahanap hanapin.

You're the one, Goldilocks!