Monday, June 23, 2008

Batang Mahilig Mag Tumbling! :)

Recently eh nahihilig si Masheng magta tumbling!

... At mahilig 'din siyang mag tip toe!

Hhmmm, ipasok ko kaya sa Gymnastic or Ballet class pag laki laki nya?

"Look at me, Mama!"

Tumbling to the left...

.... at naka tip toe pa!

Tumbling to the right...

Ang sabi ng matatanda, 'pag tumutuwad daw ang bata, eh, naghahanap na daw ng kasunod!

Tsk, tsk, sorry anak, 'di pa ready si Mama at Papa na gumawa ng kapatid mo eh! Hihi!

Friday, June 13, 2008

Happy Father's Day, Papa!

For my dad,

Happy Father's Day! We love you so much!

Love,

Michelle, Marchelle and Joms

Papa's Girl

Papa's Pride

Lolo's Girl

* (Kainis... I did a very long blog for my father pa naman. 'Pag save ko nawala.... Grrrr! badtrip!)

Sunday, June 8, 2008

Masheng Has Measles!

Hay, may tigdas na nga ang baby ko! She had her measle shots naman pero tinablan pa rin. Sabagay, nangyayari daw talaga 'yun. So far, she's ok na naman. Heto tulog na tulog na. Nagigising lang minsan dahil naiinitan. Hindi kasi namin tinatapatan ng fan since sabi eh, bawal daw siyang mahanginan. Buti na lang at hindi namin napaliguan today. It's a no-no daw since hindi lalabas ang init sa katawan. Sa ngayon, may rashes na sya sa face, sa tyan at sa likod. Sabi nga ng mga tita ko, lumabas daw 'yung rashes nya dahil daw pinakain namin siya ng itlog kanina. I don't know if it's true. Hehe, siguro nga...

Well, happy baby pa rin naman ang anak ko. Hindi mo nga aakalaing may sakit. Kahit nga kanina dun sa private hospital na pinuntahan namin, eh sobrang likot nya. Masyado atang na "at home" at feeling nya eh nakakita siya ng bagong playground kaya ayun nagtatatakbo 'dun nang nakatapak. That was after a very traumatic experience 'dun sa unang hospital na pinuntahan namin (which I blogged about just a while ago... read it here). At least, alam kong safe na si Masheng at hindi siya basta makakakuha nang kung anu anong sakit kahit magtatakbo siya since maayos ang facilities nila. Wala ring masyadong tao so ibig sabihin, walang gaanong pasyente. Hindi gaya sa public hospital na punong puno kahit pa Sunday kami nagpa check up. Naka separate din ang OPD room ng babies and children at hindi nakahalo sa ibang may sakit. At higit sa lahat, hindi nakahalo ang patay sa buhay!

She had a platelet count test. Dasal dasal ako nang dasal na sana eh, wala namang malalang sakit ang anak ko (like Dengue or Malaria na nauuso ata dahil magtatag ulan na naman). Nagwoworry pa kami nung una na baka magwala at mahirapan 'yung nurse na kuhanan siya ng blood sample kaya hubby Joms and I were surprised kasi sobrang nagbehave naman siya kahit tinusok at pinisil pisil pa ng nurse 'yung dulo ng daliri nya.

Naka smile pa habang pinadudugo ang daliri! :)

Thank God at wala namang nakita sa blood nya. Ibig sabihin, wala siyang dengue, malaria or ano pa mang sakit na kinawo worry namin. Basta ingatan lang daw na 'wag tumaas ang lagnat. Ang sabi nga, kapag nilagnat ulit ng gabi, eh, ibalik daw namin agad. HIndi naman na siya nilagnat the whole afternoon so hindi na kami bumalik ng hospital. Pero syempre maya't maya pa rin ang kuha namin ng body temperature nya since pwede daw mangyari na nasa loob ng katawan ang lagnat nya at hindi namin malalaman kung sasalatin lang namin ang skin nya. So far, ok naman. Masigla pa rin as usual. 'Yun nga lang, naglabasan na ang rashes nya. And we expect to see more after several days.

My aunts adviced me to buy "kolantro" tomorrow (actually I have no idea what that is). 'Yun daw ang ipaiinom at ipupunas kay Masheng. Bawal siyang maligo at mahanginan. Kaya 'eto kahit mainit eh sinuotan ko ng pajama at medyas. Naawa nga ako kasi pawis na pawis na, inaalagaan ko na lang sa punas para hindi matuyuan...

Kaya 'wag kayong magtaka kung bakit gising pa ako at nagba blog sa mga oras na 'to... ang hirap palang matulog 'pag alam mong may sakit ang baby mo. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit hindi rin halos natutulog sina Mama at Papa (pati na rin 'yung Tita Mel ko na halos parang nanay na rin namin) noon kapag may nagkakasakit sa amin. Ganun pala talaga...

Anyway, thanks po sa mga nagtaygang bumasa nito at nung isa ko pang blog. I feel much better now. Tips naman po kung pano mas madaling gagaling ang tigdas ni Masheng. Pa share na rin po ng experience nyo nung nagka measles ang babies nyo... Thanks and good night! Ay, good morning na pala ... :)

A One Day Experience in a Public Hospital

She started having a fever last Thursday. We thought that it's all because of the weather. Grabe kasi ang init dito lately. Sumasabay pa ang tubo ng teeth nya. Pero kahit may dinadamdam, sobrang likot at bibo pa rin... kahit pa nga on and off ang fever nya for 3 days. May time pa nga na nag 39 ang body temperature nya at nagawa pa nyang ngumiti at sumayaw samantalang kami eh, natataranta na at halos isugod na siya sa hospital. Buti na lang at napababa namin ang lagnat nya at hindi siya kinumbulsyon. The next day, she was ok. HIndi na nilagnat ulit at just like the usual, sobrang sigla pa rin so akala namin ok na.

Then, came Sunday... Hubby Joms noticed red rashes on Masheng's face. Actually, the night before eh, napansin ko nang medyo mapula ang scalp nya. I just thought that it was because of the heat coming out form her body since nilagnat nga siya days before. As usual, hyper pa rin naman si Masheng but we didn't want to take a risk. We still brought her to the nearest hospital for an emergency check up.

Una kaming nagpunta sa iang public hospital nearby. I really didn't want to go there but hubby told me na i-try lang namin since 'yun nga daw ang pinaka malapit. Since Sunday ngayon, sarado ang OPD ward at emergency ward lang ang bukas. We waited for almost an hour since they were having several emergency cases. I wasn't surprised to see a dead man's corpse lying on one of their beds since nung nasa labas pa lang naman kami, eh napi feel ko na ang komosyon ng mga taong labas masok sa emergency room. But I was taken aback when the attendant called us and told me to take Masheng inside na para bang walang patay sa loob. Despite my hesitation, pumasok na rin ako sa kagustuhan kong matapos na ang lahat at makauwi na rin kami. Mas lalo akong nagulat when she told me to put my baby on the weighing scale ('yung pang bata) na bukod sa sobrang dumi eh, katabi pa nung patay! Buti na lang at bago pa ako makapag protesta eh, nagloko si Masheng kaya hindi na pinilit nung babae na matimbang siya dun. Later on, kinuha naman ang body temperature nya. Bago ko pa masabi 'dun sa girl na kami na lang sa bahay (dahil alam kong ang mga gamit nila 'dun eh gamit nang lahat) eh, naisuksok na nya sa kilikili ni Masheng ang thermometer nila kaya hindi na naman ako nakapag reklamo. Lumabas muna kami since I was really scared na mahawaan ang anak ko nang kung anu anong sakit. The attendant followed at parang nainis pa at sinabing hindi daw nya kami susundan nang susundan. Gustong gusto kong sabihin na, "Hoy hindi mo ba nakikitang may patay sa loob?". Pero nanahimik lang ako since ayoko namang masabihang mayabang or whatsoever. In the first place, sasabihin lang nila na walang bayad ang services nila kaya walang karapatang magreklamo at mag inarte ang mga pasyenteng pumupunta sa ganun.

Later, parang hindi ko na kayang mag stay pa. Nahalata ni hubby na sobrang disturbed na ako so he told me na umalis na lang kami at lumipat sa private hospital. 'Di na ko nagdalawang isip. Dali dali kaming lumabas at hindi na nagpaalam 'dun sa attendant kahit na hindi pa tapos ang check up.

Ang sama sama ng pakiramdam ko. Feeling ko ang sama sama kong ina for having my precious girl experienced such a thing. Hindi ko kasi talaga alam na ganun pala sa public hospitals. Never pa akong nagpatingin sa ganun at first time din namin na ipa check up si Masheng since ngayon lang talaga siya nagkasakit. For her vaccines and regular check ups naman eh, lagi kaming 'dun sa private clinic ng pedia nya pumupunta. Ngayon lang talaga kami sumablay, siguro bunga na rin ng pagkataranta this morning.

I know that parents should always give what's best for their kids. I feel bad because I almost failed to do it today. But I promise that, it would be the last time na dadalhin ko ang anak ko 'dun. I won't ever have my precious daughter's feet set on such a place again. I'm not being arrogant or conceited. I just wanna give what my baby truly deserves.

"I'm so sorry, anak..."